Ayaw nang makipagbalikan kay Bela Padilla Jason Abalos, gustong pakasalan si Jewel Mische!

MAINIT NA PINAG-UUSAPAN ang namumuong romansa kina Direk GB Sampedro at Daiana Menezes. Kahit hindi aminin ang totoo nilang relasyon, marami ang nagpapatunay na mag-dyowa na nga ang dalawa. Ilang beses na silang nakitang magkasama sa mga gimikan, pero patuloy pa rin ang pagdi-deny nila na nothing serious sa kanilang relationship.

Pero para kay Direk GB, tipong malaki ang pagkakagusto niya kay Daiana. Nakikitang sinusundo nito ang Brazilian girl sa taping ng Ta-lentadong Pinoy sa Skydome at radio program na Todo Bigay.

Magkasabay na uuwi ang dalawa sa kanilang condo unit, same building kung saan sila parehong nakatira. Hindi ba’t naging bahagi na rin si Daiana ng Paparazzi talk show every Sunday kung saan si GB ang director? This time, tipong seryosong totoo na raw ang pakikipagrelasyon ni GB kay Daiana. Kapag nagtuluy-tuloy ang maganda nilang love affair, baka raw mauwi na ito sa kasalan.

Pagod na raw si Direk GB sa pakikipag-relasyon. Gusto na raw nitong lumagay sa tahimik at magkaroon ng sariling pamilya. Well, sana nga si Daiana ang perfect match ni GB para tuluyan nang ma-ging masaya’t maligaya ang daigidig ni Direk. Ilang beses na nga bang nauudlot ang buhay pag-ibig ng simpatikong director? Itanong na lang natin kay Candy Pangilinan.

 

HINDI YATA MAGANDA para kay Jason Abalos na magsalita siya nang hindi maganda sa dating niyang girlfriend na si Bela Padilla. Sabihin ba nitong hindi raw totoong gusto niyang makipagbalikan sa pamangkin ni Robin Padilla dahil ang gusto niyang pakasalan ay si Jewel Mische, hindi si Bela. Hindi man lang binigyang respeto ang dati nitong dyowa at inilagay pa sa kahihiyan ang actress. Hindi kaya matanggap ni Jason nang hiwalayan siya ni Bela?

Ayon naman sa kampo ni Bela, wala raw intensiyon ang aktres na maging sila uli. Walang sinasabing masama ang dalaga tungkol sa naging relationship nila ni Jason. Kung anuman ‘yung hindi nila pagkakaunawaan sa kanila na lang daw ‘yun. Nanahimik lang ito at never nag-comment nang hindi maganda tungkol kay Jason.

Ngayon na lang lumabas ang katotohanan na may namagitan pala kina Jason at Bela after their break-up. Obvious naman, very much in love ngayon ang morenong actor kay Jewel na ex-girlfriend ni Richard Gutierrez. Knows kaya ni Jason na diumano nakipag-live-in daw ang dalaga sa anak ni Annabelle Rama noong time na nasa bakuran pa ito ng GMA-7?

Kung sakaling hindi mag-click ang love relationship nina Jason at Jewel at mauwi sa hiwalayan, ano naman kaya ang magiging dialogue niya? I’m sure, hindi maganda ang magiging comment nito tungkol sa kanila ni Jewel dahil hindi nagtagal ang kanilang love affair. Kung sakaling mangyari uli, sa tingin namin, na kay Jason ang problema, wala sa mga babaeng naka-relasyon niya. Ang tanong, bakit siya iniiwan ng mga kababaihan?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.