Ayaw na raw maging bading Roderick Paulate, kinain ang salita!

WANTED: BACK AND left arm of James Yap. I repeat, it’s not James’s neck that his estranged wife Kris Aquino is after.

Kinailangan kasi sa pelikulang Dalaw ni Kris, herself one of the producers, na makaeksena ang leading man niyang si Diether Ocampo, nakatalikod ito revealing his lean yet muscular body at yayakapin ni Tetay. The scene had to be shot last Wednesday (December 8), nagkataong nasa Australia si Diether, and the production was in frantic search of a stand-in. Sa madaling salita, dobol.

Paspasan na kasi ang pelikula, the MTRCB had set the deadline for the forthcoming Metro Manila filmfest entries until December 10. No choice. Kris had to commission James, who is as “sexy” as Diether, to act out the role. At first, nagdalawang-salita rin daw si James, bakit daw hindi ‘yung mga lalaking nali-link kay Kris ang pinakiusapan nito?

But Kris was “desperate”. Kung hindi raw kasi papayag  si James sa maliit na pabor niyang ‘yon, Dalaw being her first crack at film production, ay ang anak nilang si Baby James (or Bimby) ang nasa losing end if the movie—God forbid—does not do well at the box-office. Malaking bahagi kasi ng kinita ni Kris sa taong 2010 ang in-invest niya sa pelikula, which she claims to have given her best, even outshining her performances in Feng Shui and Sukob.

Kris’s scene with James required a bit of passion, pero nilinaw ng tinaguriang Queen of Horror na wala siyang naramdamang electricity, otherwise it would have beckoned a reconciliation with James, bagay na in-offer din naman sa kanya ng cager many times over.

It’s been close to seven months since Kris and James have gone separate ways. Sa kabila raw ng mga usapin sa korte, napagtanto na nila pareho that they are better off as friends, much less as civil co-parents to Bimby. Sa katunayan, nagkaroon na raw sila ni James ng amicable property settlement, let the court na lang grant their annulment petition, hopefully third quarter of 2011.

Sey ni Kris, plano na niyang ma-in love uli October next year, that is, after the film-inspired process of having to eat, pray and love.

STILL ON KRIS, meron siyang FFF as in Fearless Festival Forecast as to which entries are likely to reign supreme at the box-office. “Given” na raw ang pinagsanib na puwersa nina Bong Revilla at Vic Sotto as this year’s topgrosser.

Nag-concede na rin si Kris sa entry ni Ai-Ai delas Alas na Tanging Ina (Last Na ‘To) based on the box-office take ng mga naunang parts nito. All that Kris wishes is that Dalaw makes it to the third topgrossing film with at least P100 million take all throughout the showing.

Napaka-realistic, if not humble naman ang projection ni Tito Dolphy sa kanyang Father Jejemon: mabawi lang daw ang ipinuhunan ng RVQ Productions at kumita nang konti will send him laughing his way to the bank.

MAS KILALA ANG ngayo’y Quezon City Councilor na si Roderick Paulate for his flambouyant gay characters on the big screen, one would be convinced he is limp-wristed in real life because of his credible portrayal. Pero hinubad na ni Dick ang image na ‘yon, the last sa indie film na Ded Na Si Lolo, reminiscent of his gay roles during the 90’s, dahil isa na nga siyang kapita-pitagang konsehal.

In fact, bilang respeto nga ni Direk Wenn Deramas sa kanya who megged the remake of Petrang Kabayo ay pinakiusapan niya si Roderick for a special participation that launched Vice Ganda to full stardom. Dick, however, begged off. Respetado na nga naman siyang pulitiko, pero gaganap na bakla?

Creative hunger, however, seems to have caught up with Roderick, ayun, kinain din niya literally ang kanyang mga salita—only to play Shalala na mas baklang-bakla pa sa kanya in character! On its second episode of TV5’s Star Confessions Presents Shalala this December 15, si Dick nga ang gaganap bilang Shalala.

Sidebar lang muna sa TV bio na ito ni Shalala, it’s a known fact that German Moreno plays an important role sa buhay at career ni Shalala. Pero ayon mismo kay Kuya Germs, hindi raw siya pinayagan ng GMA to guest in Star Confessions.

Now, going back to Roderick, papayag din pala siyang gumanap uli ng bakla… ginamit pa niya ang kanyang karespe-respetong posisyon sa Konseho!

Etchoserang horse! At least, Roderick gallops, not leaps like a frog.


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.