Ayaw makipagbalikan
Bebot, Kinidnap ng BF

DAHIL SA sobrang pag-ibig, isang 16-anyos na dalagita ang umano’y dinukot ng dating kasintahan na tinanggihan niyang makabalikan sa Brgy. Feliciano, Balete, Aklan.

Dahil dito, nahaharap sa kasong puwersa-hang pagdukot o forcible abduction ang salarin na si Jayson Bonis, 19, kasama ang kasabwat nito na si Japee Alijaga, 20, at tatlo pang menor-de-edad na pawang residente ng Brgy. Barra , Roxas, City.

Base sa ulat ni S/Insp. Frenzy Andrade, hepe ng Balete PNP, habang papasok sa eskuwelahan ay kinidnap ni Bonis ang 2nd year high school student na biktima at puwersahang isinakay sa tricycle ngunit ito ay pumalag.

Mabilis na nagpasaklolo ang biktima sa mga bystander dahilan kaya pinagbabato nila ito ng bato hanggang sa napigilan ang pagtakas.

Napag-alaman na dating nag-aaral ang dalagita sa Roxas City, ngunit pinauwi sa probinsiya ng mga magulang nang makipagrelasyon sa nasabing suspek.

Samantala, pormal nang inihahanda sa kor-te ang kasong kriminal laban sa mga suspek habang ang mga ito ay nakapiit sa Balete PNP station.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.