Ayaw makasama ang isa’t isa sa shoot ng TV commercial: dalawang celebrity, nagpapataasan ng pride

KINSA SILA? SINU-SINO kaya itong dalawang personalidad na ayon sa kuwento ng aming very unimpeachable source ay nagpapataasan daw ng pride?

Base sa kuwento, sa isang TVC shoot sa isang endorsement na kanilang pagsasamahan, hindi raw pumayag si sikat na Actress A na makasama si sikat na Actress B. Kaya ang ginawa raw ng production, magkahiwalay na araw ang shoot ng dalawa at kuntodo sukat sila sa mga anggulo.

Hirap na hirap daw ang mga staff sa pagsukat ng tamang anggulo para hindi mahalatang ipinatong lamang ang video ng dalawang actress kapag lumabas na ang nasabing TV ad. Ang dialog daw nang sikat na Actress A ay, “Ayoko siyang makasama sa shooting,” patungkol kay sikat na Actress B. Dialog naman nang mga taga-production, “Ang arte-arte naman niya eh, hindi na siya bata, ‘noh.”

Sinu-sino sila? Maging mapanuri sa mga commercial na ipinapalabas sa ngayon at matutumbok n’yo na kung sinu-sino sila.

(By Arniel Serato)

loading...

17 thoughts on “Ayaw makasama ang isa’t isa sa shoot ng TV commercial: dalawang celebrity, nagpapataasan ng pride

  1. AI-AI AT JUDY ANN, obvious kasi dun sa commercial nila, sila yung pinaka malapit sa clue
    SHARON AT KRIS, pwede din pero yung commercial nila, talaga naman magkahiwalay sila diba?? Pinakita talaga na nasa magkabilang set sila
    MARIAN AT KC, parang hindi eh kasi yung sa real leaf talaga namang ieedit yung mga ganung TVC….at tsaka isa pa sabi sa clue SIKAT na AKTRES…. SIKAT ba sila??? :p

  2. sharon and kris..!halata naman sa commercial nia..!sino bang may ayaw na makasama ang isa??!si sharon??!etchusera sia!!!sana si sharon at juday nlang ang pinagsama..tas ang mag frenshp na si ai-ai at krissy

  3. Kris and sharon,,halatang di sila sabay nagshoot dahil obvious na inedit lang commercial nila pra magmukhang magkasama sila.haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.