Ayaw Maging Manugang, Binoga

PATAY ANG isang lalaki nang aksidenteng mabaril ng ama ng kanyang kinakasama sa lalawigan ng Agusan del Sur.

Ayon kay Caraga PNP, spokesperson Supt. Martin Gamba, kinilala ang biktima na  si Alberto Guyay Miomo, 25-anyos, magsasaka ng Brgy. Aurora, Prosperidad, Agusan del Sur.

Nasa kustodiya naman ng awtoridad ang suspek na si Jesus Homodo, 44-anyos, magsasaka ng Purok 3, Brgy. Laperian, Prosperidad, Agusan del Sur.

Sa imbestigasyon, alas- 12:30 ng hapon nang mangyari ang krimen sa bahay ng suspek.

Sinugod umano ng biktima ang suspek matapos na hindi umuwi sa kanilang bahay ang live-in partner nito na si Mary Jane Hemodo.

Bago ang insidente ay mayroong hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang babae habang alam sa lugar na tutol din ang kaanak ng huli sa kanilang relasyon.

Subalit ayaw harapin ni Mary Jane si Guyay na noo’y nagwawala, kaya si Jesus ang humarap sa biktima bitbit ang isang shotgun.

Nagpumilit umanong pumasok sa bahay ang biktima at nakipag-agawan ng baril sa suspek at sa ‘di inaasahang pangyayari ay biglang pumutok ang shotgun.

Sa malas ay saktong tumama sa tiyan ng biktima ang bala ng shotgun na sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Bagamat isinugod pa sa  D.O. Plaza Memorial Hospital sa Brgy. Patin-ay, ang biktima ay idineklara na itong dead on arrival.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.