Ayaw magbigay ng balut Tanod, Ginilitan sa leeg

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang isang barangay tanod makaraang gilitan ito sa leeg at saksakin sa likod ng dalawang di-pa nakikilalang kalalakihan matapos umanong tumangging magbigay ng balut ang una nang hingan ito ng mga huli kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Inoobserbahan ngayon sa Manila Central University Hospital, Caloocan City, sanhi ng tinamong tama ng saksak sa likod at laslas sa leeg ang biktimang si Julius Jacinto, 38, barangay tanod, at residente ng Pineapple Road, Brgy. Potrero, Malabon City.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ng Malabon Police para sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harap ng Primass Inn Mc Arthur Hi-Way, Potrero, Malabon, habang ang biktima ay kasalukuyang nagroronda.

Napadaan ang mga suspek na lango sa alak at hiningan ito ng balut, subalit tumanggi si Jacinto na magbigay na ikinagalit ng mga suspek hanggang sa bumunot ang isa sa mga suspek ng patalim at pinagtulungan itong saksakin saka tumakas sa di-malamang direksyon.

Ilang nakakita naman sa insidente ang nagdala sa biktima sa naturang pagamutan upang lapatan ng lunas ang mga tinamo nitong sugat.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.