Ayaw Magbayad ng Renta sa Bahay Mag-asawa, Kinasuhan ng Multiple Estafa

MALAKING PROBLEMA ang kinahaharap ngayon ng isang mag-asawa nang kasuhan ang mga ito ng Multiple Estafa ng isang ginang makaraang hindi umano magbayad ng kanyang upa sa bahay ang mag-asawang suspek sa loob ng maraming taon.

Ang kinasuhan ay ang mag-asawang Julito Labadan at Mary Jane, kapwa nakatira sa Salmon cor. Sabalo Sts., Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Samantala, ang nagreklamo ay ni Ginang Yolanda Belga-Cruz, 68, biyuda, negosyante, ng Block 57, Lot 24, Phase 3, F2, Kaunlaran Village ng nabanggit na lungsod.

Base sa reklamo ni Belga-Cruz, kay PO2 Edgar Manapat, ng SIDMB ng Caloocan PNP at may hawak ng kaso, umupa ang nasabing mag-asawa sa paupahang bahay ng biktima noong taong 2006 kung saan hanggang sa kasalukuyan taon ay hindi nagbayad ng kahit isang sentimo ng upa na umabot sa halagang P72,000.

Nagpasiya ang nasabing biktima na maghain na ng rekalmo sa lupon ng barangay sa kanilang lugar laban sa mag-asawang Labadan hanggang sa humantong sa maraming beses na pagdinig na hanggang sa huling sandali ay ay walang napagkasunduan ang bawat panig.

Dahil dito, binigyan ng lupon ng barangay si Belga-Cruz ng certification to file action para idemanda ang mag-asawang estapador ng kasong Multiple Estafa sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.