Ayaw magbayad; lalaki,siningil ng bala

SAN JOSE DEL Monte City – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang lalaki makaraang barilin ng kanyang kapitbahay sa Brgy. San Rafael-5 sa siyudad na ito kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Mark Rivero kay P/SSupt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nasawing biktima na si Romenor Quino Y Carmelotes, 39 anyos, ng Blk-20, Lot 53, Phase-3, Brgy. San Rafael-5; samantalang nakilala naman ang tumakas na suspek na si Leopoldo Deanon Y Avendano, 36 anyos, kapitbahay ng biktima.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-7 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa biktima sa harap ng kanilang tahanan.

Nabatid na bago ang insidente, nagtalo muna ang dalawa dahil umano sa hindi nito pagbabayad ng kanyang utang na pera. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.