Ayaw mag-refund?s

0912450xxxx – Idol Raffy, isusumbong ko lang po sa inyo ang LTO Batangas City dahil ayaw nilang mag-refund ng RFID.

0933408xxxx – Sir Raffy Tulfo, pakitulungan po kami rito na kalampagin ang mga kinauukulan dito sa boundary ng Apalit, Pampanga at Calumpit, Bulacan dahil sa pagtatapon po ng basura ng bayan ng Apalit. Grabe po ang baho ng basura at nagdudulot na po ito ng sakit sa mga bata at matatanda. Sana po ay maaksyunan po ang problemang ito sa aming lugar. Salamat po.

0929612xxxx – Mr. Tulfo, ako po ay nagtatrabaho bilang isang messenger sa Makati. Hinuli po ako ng walang violation, binigyan ako ng ticket na reckless driving at passing thru red light. Nagpunta po ako sa Makati Adjudication office upang i-contest ang pangyayari. Nang pagharapin kami ng enforcer sa table ng isang judge, sinabihan kaagad ako nito na talo raw ako at pinalayas pa ako. Malabo po ang paliwanag nito at lumilitaw na bias ito. Halatang kampi po siya sa mga enforcer. Katunayan ay marami po kaming magkakasabay na nag-hearing noong Huwebes, March 10, pero nang matapos ang hearing lahat kami ay dismayado sa naging resulta ng pagdinig. Sana po ay matulungan n’yo po kami.

0919865xxxx – Irereklamo ko lang po ang Maynilad dahil sa wala silang ginagawang aksyon sa tumatagas na tubig dito sa amin sa Better Living Subdivision, Don Bosco, Parañaque. Noong Nobyembre pa namin ito itinawag upang i-report sa kanila ngunit hanggang ngayon ay wala silang kaukulang aksyong ginagawa. Salamat po.

0906539xxxx – Sir Raffy, concerned lang po ako, kasi po rito sa FTI gate sinisingil ang mga moto-rista ng sampung piso bawat pasok. Itatanong ko lang po kung legal ang sinisingil nila sa mga tao? Salamat po.

0926376xxxx – Magandang araw, Idol Raffy, isa po akong security guard dito sa Parañaque City. Idudulog ko lamang po ang aming problema sa aming agency dahil sa hindi paghuhulog sa SSS at iba pang benipisyo na dapat ay inihuhulog nila. P200 lang per day ang bayad namin sa dose oras naming duty. Ano po ba ang nararapat naming gawin? Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

0935974xxxx – Sir Raffy, isa po akong concerned citizen ng Barangay Caniogan, Pasig City. Irereklamo ko lang ang Caniogan Elementary School dahil sa grabeng paniningil sa amin pong mga nanay ng mga kinder students. Bawat bata ay sinisingil ng graduation fee sa halagang P500 para sa toga, mga bulaklak na gagamitin sa graduation, at iba pa. Sinabi pa po na kung wala kaming limang daang pisong pambayad  ay hindi makakasali sa graduation ang mga anak namin.

0909541xxxx – Nais ko po sanang ireklamo sa inyo Mr. Tulfo ang Pambuan Elementary School dahil sa sobrang laki ng sinisingil na graduation fee na nagkakahalaga ng P850. Salamat po at sana ay matugunan ninyo ang aming suliranin.

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00 pm.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.