Ayaw kasing pakasalan
Sheree, hiniwalayan si Gian Magdangal

TULUYAN NA ngang winakasan ni ex-Viva Hotbabe Sheree ang kanyang pakikipag-live-in sa Kapuso singer na si Gian Magdangal nang anim na taon na nagbunga ng isang supling dahil na rin sa ayaw itong pakasalan ng guwapong mang-aawit.

Tsika nga ni Sheree ng mag-guest sa Birthday Celebration ni Kuya Germs sa Walang Tulugan With The Master Showman, nangangarap din naman daw siyang makapagsuot ng wedding gown at lumakad patungo sa altar kasama ng kanyang lalaking mapapangasawa at makasasama hanggang sa kanyang pagtanda.

Kaya naman daw mas minabuti na lang nilang maghiwalay ni Gian dahil wala pa raw kasi itong planong pakasalan siya. Dagdag pa ni Sheree na maganda naman daw ang kanilang paghihiwalay at napanatili nila ang kanilang friendship para na rin sa kanilang anak.

Hindi naman daw siya nagsasarado ng posibilidad na baka in the near future ay magkabalikan sila, kung pareho pa silang single. Pero sa ngayon daw, mas magandang maghiwalay na lang sila at mamuhay nang solo at bigyan ng oras ang kani-kanilang career. Habang siya ay pagsasabayin niya ang buhay bilang ina sa kanyang anak at mas maging busy pa sa trabaho para na rin sa future ng kanilang supling.

 

KUMPIRMADONG NAGWAKAS na nga ang relasyon ng magaling na actor na si Edgar Allan Guzman at ang Sexbomb Girl na si Johlan na tumagal ng ilang taon, dahil sa mismong bibig na ni Edgar nanggaling na seven months na ang itinatakbo ng relasyonnila ni  Shaira Mae Dela Cruz.

Dagdag pa nito na going strong daw ang kanilang pagsasama. Tsika pa nga ni Edgar na mas naging matured na daw siya ngayon sa pagha-handle ng relasyon nang makausap namin ito sa matagumpay na Primetime Program Launch ng TV5 na ginanap sa NBC Tent, BGC last Oct. 2.

At kahit nga raw in love siya ngayon ay hindi niya pinababayaan ang kanyang trabaho, kung saan kasama siya sa Tropang Moko Unli, habang kasama naman sa Madam Chairman si Shaira Mae.

Sobrang nagkakaintindihan daw sila sa maraming bagay kaya naman daw maganda ang kanilang pagsasama. Wish nga raw ni Edgar na mas tumagal pa ang kanilang pagsasama ni Shaira, dahil bukod daw sa maganda ang dalaga ay mabait pa ito at maalaga.

 

NAGING MATAGUMPAY ang sunud-sunod na shows ng isa sa pinakasikat na kabataang boyband ngayon, ang UPGRADE na kinabibilangan nina KCEE Martinez, Rhem Enjavi, Ron Mclean Galang, Armond Bernas, Miggy San Pablo, at Raymond Tay .

At kahit nga apat ang naging shows ng mga ito noong nakaraang Sabado at  isa noong Linggo, hindi kinakitaan ng pagod ang bawat miyembro at dire-diretsi pa rin at 100% performance pa rin ang ibinibigay nila sa kanilang mga tagahanga.

Naging espesyal na panauhin ang UPGRADE noong Sabado sa Ultra para sa Celebration ng World Teachers Day at sinundan ng kanilang mall show sa SM Baliuag at diretso ng Rizal High School sa Pasig, kung saan naging front act sila sa concert ni Eli Buendia, at diretso ng WalangTulugan With The Master Showman. Habang noong Linggo ay nasa SM Clark naman ang mga ito.

Sa Wednesday, Oct. 9, tatanggap ng award sa 33rd Gawad Musika & Dangal ng Bayan Awards for Oustanding Boyband of the Year 2013 ang grupo, kung saan makakasama nila sina Sarah Geronimo, Pilita Corrales, Ronnie Liang, Teejay Marquez , Mr. German Moreno, atbp. na gaganapin sa Music Museum ng 7pm.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Ayaw kasing pakasalan
Sheree, hiniwalayan si Gian Magdangal

Leave a Reply

Your email address will not be published.