Ayaw bumili ng pulutan, tinarakan ng kainuman

ISANG PEDICAB DRIVER ang nasa malubhang kalagayan makaraang saksakin ito ng kanyang kainuman nang tumanggi umano ang una na bumili ng pulutan at dahil sa pagiging malakas nitong mamulutan noong nakaraang linggo sa Navotas City.

Nilapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng tinamong tama ng saksak sa likod ang biktimang si Marino Balansag 38, may-asawa ng Tulay 2, Bgy. Daang Hari ng nasabing lungsod habang nakapiit naman sa detention cell ng Navotas City police ang suspek na si Epifanio de Guzman 57, kalugar ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 11:30 ng gabi, nag-iinuman sina Balansag at de Guzman sa labas ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Habang nasa kalagitnaan ng pag-iinuman ay nagtataka ang suspek at ang bilis maubos ng kanilang pulutan kung kaya’t sinita nito ang biktima na bumili naman at magda-han-dahan sa pamumulutan.

Ikinagalit ng biktima ang tinuran ng suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo. Dito, agad na kumuha ng patalim ang suspek saka sinaksak ang biktima habang nakatalikod.

Dinala naman sa nasabing pagamutan ang biktima ng ilang nakakita sa pangyayari habang hindi na nagawa pang makatakas ng suspek dahil sa mabilis na responde ng mga barangay tanod.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.