Axel Torres, hindi takot aminin ang tungkol sa kanila ni Vice Ganda: Wala namang masama do’n!

Axel Torres

SA TANONG namin kay Axel Torres kung ano ang reaksyon niya every time na nali-link sila ni Vice, natatawa lang binatang bida sa web series ng La Luna Sangre.

Aniya, “Basketball player pa lang ako nung na-meet ko siya at medyo may ganun ng isyu. Hindi pa ako PBB noon. So, I’m really used to it.

 “Pero wala, ako dedma lang sa ganun. I mean, kasi kung alam mong hindi totoo bakit ka maaapektuhan?” sagot niya sa amin.

Wala rin naman daw siyang nakikitang masama kung ma-link man siya kay Vice.

“Wala naman masama, eh. Masama bang makipagkaibigan sa gay. Kasi madami rin naman akong kaibigan na gay, eh. Pero wala silang harm, they’re really nice and as in mabait talaga.

“So, wala talaga, there’s nothing ano talaga pagka ganyan pag nili-link or anything. As long as you know na wala namang namamagitan then it’s fine,” reaksyon pa ng basketball player turned actor.

Aminado naman si Axel na minsan ay napapag-usapan nila ni Vice ang tungkol sa panunukso sa kanila na may relasyon.

“Once ata, pero every time na nakikita namin sa dyaryo na meron daw kaming relasyon, natatawa lang kami. Kasi wala nga, eh. Yung closeness namin walang malisya kumbaga,” hirit pa niya.

Wala rin daw siyang keber kahit maging naughty o bastos ang kaibigan niyang gay sa kanya.

“Maiintindihan ko pa rin naman kung magiging bastos siya. Pero hindi pa rin nag-i-stop don yung friendship, eh. Kailangan mo lang talagang ipaintindi na ito yung limitations, ito yung ganito.

“Pero kahit na kunyari, for example merong attempt or whatever, nasa sa yo pa rin naman yon, eh. You know when to stop or you know kung ano yung ipapa-feel mo sa isang tao para sa magiging action niya towards you,” paliwanag pa niya.

 


La Boka

by Leo Bukas

Related Post

loading...

2 thoughts on “Axel Torres, hindi takot aminin ang tungkol sa kanila ni Vice Ganda: Wala namang masama do’n!

Leave a Reply

Your email address will not be published.