Awol na Pulis at Dalawa pa, Arestado ng HPG

NADAKIP NG mga operatiba ng Highway Patrol Group ang tatlong katao kabilang ang AWOL na pulis na umano’y responsable sa pag-carnap sa isang Toyota Avanza sa Imus, Cavite.

Sa ulat na ipinadala sa Camp Olivas sa Pampanga, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Ronaldo Mangalinao, 42 anyos, alyas Amang Awol na pulis; Von Brian Brabante, 28; at Soralita Pabuaya, 43, kapwa residente ng Seremonia Road, Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, nadakip ang mga suspek makaraang maharang ng mga tauhan ng HPG na pinamumunuan ni Insp. Erwin Cesil ang Toyota Avanza na kulay puti at walang plaka sa Brgy. Kapihan, San Rafael, Bulacan.

Nabatid na mabilis na tumakas ang tatlo sa nabanggit na sasakyan na pag-aari ng isang Renelita Escalante ng Paredes, Sampaloc, Manila, kung saan naiiwan sa nabanggit na sasakyan ang live-in partner ng AWOL na pulis, na si Caterine Magtalas, 24 anyos.

Ayon sa kabit ng suspek, kinuha nila ang nabangit na saksakyan sa Brgy. Poblacion, Imus, Cavite, kung saan itinuro rin nito kung saan matatagpuan ang mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito. Nakumpiska mula sa AWOL na pulis ang isang cal. 45, dawalang magazine ng bala, at iba’t ibang uri ng identification cards.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa HPG detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.