Awayang Iza Calzado at Sunshine Dizon, lumalala?! by Gorgy’s Park

PAREHONG ITINATANGGI NINA Iza Calzado at Sunshine Dizon na meron silang hidwaan pero halata namang meron talaga.

Sa presscon ng SRO Cinemaserye nu’ng nakaraang Biyernes na kung saan tampok si Iza bilang si Rowena Joy, tipid ang sagot nito pagdating kay Sunshine.

Hindi raw niya alam kung binati siya nu’ng nakaraang birthday nito. Hindi pa raw niya na-check sa facebook niya. Eh, puwede naman siyang tawagan o dapat magkita silang dalawa para i-celebrate dahil bestfriends talaga sila.

Basta ang pagkakaalam daw niya, okay raw sila ni Sunshine.

Nu’ng nakaraang Sabado naman sa Startalk, na-phone patch si Sunshine para sagutin ang isyung iyun. Diretso ang sagot niyang okay silang dalawa at binati raw niya ito sa Unang Hirit nu’ng mismong kaarawan nito.

Iyun uli ang tanong ng karamihan; puwede naman silang magtawagan di ba? Dapat nga present si Sunshine kung meron mang selebrasyon si Iza, pero dedmahan talaga!

Saksi ako kung gaano ka-close ang dalawa, lalo na nu’ng nagkasama kami sa Singapore para sa taping ng All About Eve.

Ayon sa ilang kuwentong nasagap ko, nagsimula raw ang hidwaan ng dalawa bago natapos ang All About Eve. Alam daw iyan lahat ng staff ng naturang serye pero tahimik na lang sila.

Magkasabay pa raw silang nag-guest sa Power of 10, halata na raw na nagdededmahan silang dalawa pero hindi na lang ito pinalaki.

Mukhang ayaw rin namang palakihin ito ng dalawa pero kahit safe ang sagot nilang dalawa, halatang meron talaga silang hidwaan. Malalaman din natin iyan. Abangan na lang!

NAGSIMULA NA KAGABI ang Survivor Philippines 2 na ginawa sa Palau Island at sa simula pa lang ay exciting ito.

Sa presscon ng Survivor, naibahagi sa amin ng host na si Paolo Bediones na hirap siya doon habang nagti-taping dahil kabi-break lamang nila ng girlfriend niyang si Abby Cruz.

Kahit break na sila, na-maintain naman daw nila ang friendship at meron pa nga raw silang komunikasyon nu’ng mga panahong iyun.

Naawa lang daw siya kay Abby dahil nasa Palau siya nu’n kaya itong si Abby ang pinuputakti ng mga tanong tungkol sa break-up. Hirap daw itong sagutin ang isyung iyun, kaya sinabihan daw siya ni Paolo na hayaan na lang pagbalik niya sa Pilipinas, pagkatapos ng taping ng Survivor.

Hindi naman daw totoo iyung gusto lang nitong itaon sa promo ng Survivor Philippines 2. Hindi naman daw nila kailangan ng ganung intriga para mapag-usapan lang ang show niya.

Siya lang daw ang visible sa lahat kaya usapan daw nila ni Abby na siya na lang ang magsalita.

Maayos naman daw ang kanilang break-up, pero kung ano ang dahilan, huwag na lang daw pag-usapan. Walang third party involved daw, pero medyo personal daw ang dahilan.

“Sa amin, kung ano ‘yung eksaktong reason, very personal but definitely nothing bad na puwede mong i-categorize na “Oh my God, ganu’n ba?” Hindi! Nothing like that. It was a pleasant decision na mag-remain friends na lang kami,” pahayag ni Paolo.

By Gorgy’s Park

Related Post

loading...

4 thoughts on “Awayang Iza Calzado at Sunshine Dizon, lumalala?! by Gorgy’s Park

  1. Parang ang tanda tanda ng mukha ni Iza Calzado sa picture sa taas. Si Sunshine naman mali ang shade ng press powder. Si Iza ang may kasalanan sinupladahan yung mga fans ni Sunshine nung pina punta niya sa SOP. Sa Facebook nakilala ni Sunshine yung mga fans niya na yun at pinapunta niya sa SOP through her secretary or PA. Tapos nagalit si Iza kay Sunshine kase bat daw nagpapapunta. Eh ang daming tumitili non kay Shine dapat daw na invite din niya ang Izadoration. Nagmumukha daw kase shang walang fans.

Leave a Reply

Your email address will not be published.