Away sa tong-its: 1 utas, 2 sugatan

DAHIL  SA paniniwalang may dayaan sa sugal na tong-its, isa ang nasawi habang dalawa ang sugatan sa rambulan sa bayan ng San Jose, Antique.

Kinilala ang biktima na si James Ferera y Necor, 31-anyos ng Brgy. Gumon.

Nagtamo ito ng sugat sa kaliwang bahagi ng tiyan matapos saksakin ng suspek na si Anselmo Estilong y Patiño, tinatayang 30-35-anyos, at residente ng Brgy. Dalipe, San Jose, Antique.

Nag-away ang suspek at ang biktima habang nasa bahay ng suspek hanggang sa tumakas si Necor pauwi sa bahay nito subalit hinabol pa rin ni Patiño at sinaksak.

May dalawa pang nasu-gatan sa pananaksak na nakilalang sina Jonathan at Joel Labor na parehong nagtamo ng sugat sa braso.

Sinasabing ang apat ay kilalang magkakabarkada at laging naglalaro ng sugal kaya pinaniniwalaang nagdayaan ang mga ito sa tong-its dahilan para magrambulan.

Isinusulat ang balitang ito ay pinaghahanap pa rin si Patiño.       (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.