Away ng 2 Misis Pinatulan ng mga Mister; 1 Kritikal

KRITIKAL ANG isang mister matapos saksakin ng asawa ng nakaaway ng misis ng una sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Esteban Dela Cruz, 56 ng Anonas Road, Potrero ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Jinki Cedron, 27, at kapitbahay ng biktima.

Lumalabas na nag-away ang mga misis ng suspek at ng biktima sa hindi pa batid na kadahilanan.

Nakarating sa suspek ang pangyayari at alas-7:30 ng umaga ay nagpasyang puntahan ang bahay ng biktima upang makausap ang nakaaway.

Nakasalubong ng suspek ang biktima sa Anonas Road at agad na tinanong ng una kung nasaan ang asawa na ikinairita ni Dela Cruz na naging dahilan ng pagtatalo ng dalawang mister.

Binunot ng suspek ang dalang patalim at walang salitang inundayan ng saksak ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa MCU.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.