Away ng 2 Angkan sa Lanao; 7 Patay, 5 Sugatan

HINDI BABABA sa pito ang kumpirmadong nasawi sa ‘rido’ o awayan ng dalawang angkan sa Bayang, Lanao del Sur.

Sinabi ng Lanao Police na pinaghigantihan ng Pamilya Capal ang Pamilya Macugar na itinuturong bumaril sa kaanak nilang si Hajji Naim Macabago Capal noong Biyernes.

Sa kabuuan, apat ang namatay habang dalawa ang nasugatan mula sa Pamilya Capal.

Tatlo naman ang nasawi at tatlo ang nasugatan sa pamilya ng Macugar.

Samantala, inaalam pa rin ng Lanao PNP ang sanhi ng away ng dalawang pamilya.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.