Away-bata, pinatulan ng matanda 7-anyos, muntik nang isako

DAHIL SA AWAY-BATA, wanted ngayon ang isang ama makaraang ireklamo ng isang 7-anyos na paslit at ina nito ng pananakot sa bayan ng Candelaria, Quezon.

Sa ulat ni PO2 Maripil A Real, officer-on-case ng Candelaria Municipal Police Station, inireklamo ng Physical Abuse ng paslit na itinago sa pangalang Ben kasama ang kanyang ina, residente ng Barangay Pahina Norte, Candelaria, Quezon ang suspek na si Jun Mendoza.

Sa salaysay ni Ben, alas-5 ng hapon kamakalawa habang naglalakad siya galing ng tindahan nang harangin ni Mendoza at walang sabi-sabing sinampal siya nito.

Hindi pa nagkasya ay tinangka siyang isako ng suspek subalit mabilis na nakatakbo.

Hinala ng ina ni Ben, posibleng ang pakikipag-away ng kanyang anak sa anak ni Mendoza na si Toto ang dahilan kung bakit sinaktan ng suspek ang biktima.

Nang puntahan ng mga pulis ang tahanan ni Mendoza ay tumakas na ito dahilan para hindi maimbestigahan sa pulisya.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.