AWARD-WINNING ACTOR, PRANING NA?

OLACHIKKA NOW NA! Magpitik-bulag muna tayo para ma-excite agad kayo, dear readers. Sinech itech na award-winning actor na talaga naman daw nakaka-shock dahil nagsasalita itong mag-isa?! At kapag natutulala, kumukuha ng bato at hindi niya na alam kung kakainin niya ba ito?

Ano kaya ang problema ng award-winning actor na ito?

Sobrang husay nito nu’ng araw, walang kupas pagda-ting sa pag-arte at marami rin siyang nakaparehang mga award-winning actresses. Naku, bigyang pansin n’yo naman ang aktor na ito. Kawawa naman. Ito ang dapat na mga pinapansin natin mga kaso, ‘di ba?

NAG-AWAY NA ANG dalawang bading na sina Jobert Sucaldito at John Lapus. Panay ang patutsada ni John sa kanyang TV show, at siyempre, sinasagot naman ito ni Jobert. Ayaw paawat ng dalawa!

Heto pa, itong si John ay hindi rin mapigilan ang sarili na mag-tweet sa Twitter niya. Sinech daw itong gay comedian na may body odor at sweet din ang name? Obvious na si Chokoleit ‘yon, ‘di ba? At may attitude problem din daw ang comedian na ito?

Naku, tigilan n’yo na ‘yang mga ganyang pagti-tweet, ‘no!

HINDI NAMAN AKO naniniwala sa mga isyung lumalabas na sunud-sunod na raw ang kamalasan ng komedyanang si Pokwang. Pagkatapos daw mawala ng noontime show niya, wala na raw itong career ngayon. Kung alam n’yo lang, busy ang lola n’yo. At balitang magkakaroon siya ng isang bagong show sa ABS-CBN at ‘yun daw ang pinagkakaabalahan ni Pokwang.

Kinukuha ko nga sa isang event ang komedyana, pero hindi nga niya ako masagot dahil sa rami ng offers sa kanyang iba’t ibang shows. ‘Yun lang at baboo na! Hahaha!

KAYA NAMAN PARA sa mas maraming chikka at more clue, makinig na lang kayo sa programa ko, kasama ang aking anak na si Lady Camille, Lunes hanggang Biyernes 11:30 – 12:00 ng tanghali sa DWSS 1494khz. At tuwing Linggo sa programa ko sa DZRH 2:30-3:30 PM.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.