Aviation Rating ng ‘Pinas, Apektado ng CebuPac Mishap

TINIYAK NG Department of Transportation and Communication (DoTC) na mananagot ang Cebu Pacific kung mapatunayan ang mga alegasyong pagpapabaya sa pasahero ng sumadsad nilang eroplano sa Davao City.

Ayon kay Transportation and Communications Sec. Jun Abaya, aalamin ng pagsisiyasat kung force major o may kinalaman sa sama ng panahon, mechanical o human error ang sanhi ng aberya.

Sinabi ni Abaya na posibleng matanggalan din ng lisensya ang piloto kung mapatunayang pagkakamali nito ang pagsadsad.

Sa kanyang pagkakaalam, dapat inabot lamang ng tatlong minuto para ma-evacuate ang mga pasahero.

Aminado rin si Abaya na makakaapekto ito sa inaasam na upgrade mula sa Federal Aviation Administration at European Union.

Nataon pa naman daw na narito sa bansa ang mga aviation inspectors ng EU kaya konsiderasyon ito sa ilalabas na rating.

Samantala, nasa category 2 pa rin ang aviation industry ng bansa dahil sa ilang safety concerns kaya hindi nakakalipad sa ilang US at Europe destinations ang mga carriers ng bansa.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.