Ava Jugueta, bagong girlfriend ni Aljur Abrenica?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Bonggang-bonggang eksena ng chikkahan na naman dahil katatapos lang ng Chinese New Year. At kung kukumustahi n’yo ang aking Chinese New Year, bonggang-bongga naman dahil marami akong natanggap na regalo. At itanong n’yo kung kanino? Naku, ‘te… hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, dahil kung naalala n’yo itong si Tita Claving, lagi kong ipinagmamalaki kahit saan ako magpunta at bonggang-bonggang masarap ibalik ang nakaraan. Nakasama ko rin siya sa life story ko noon sa Maalaala Mo Kaya.

Kung wala si Tita Claving, mukhang wala ako sa industry dahil siya ang kauna-unahang bading na nakilala sa radio at nagpapasaya sa mga tao.

Nang umalis si Tita Claving sa bansa, naghahanap ng papalit sa kanya at ako ang bukod-tanging sinasabi niya, na ako lang daw ang may karapatang pumalit. Tuwang-tuwa talaga ako nang makita ko siya dahil siya ang nagturo sa akin ng lahat-lahat. Nagpapasalamat ako nang bonggang-bongga at nagkita kami ulit.

 

‘ETO PA, katatapos lang ng Chinese New Year, pero para sa Starstruck winner na si Aljur Abrenica, isang bagong taon ang Year of the Water Dragon para sa kanyang buhay pag-ibig!

Trulili na bagong babae na nga ang nagpapa-tibok sa kanyang puso ngayong 2012. Kamakailan lang ay kumalat ang mga chismax na si Bianca King ang newest girlfriend ni Aljur, ngunit ito ay mariing pinabulaanan ng dalawa.

Sinabi kasi ni Aljur sa isang interview na ‘I like Bianca’ kaya unti-unting naglabasan ang balitang may namumuong relasyon sa kanilang dalawa.

Pero ngayong hindi naman ganu’n kaingay ang buhay pag-ibig ng binata, kusa itong nakikita ng aking mga chikkarazzi na may kasamang newest girl na nagbibigay ng saya sa kanya ngayon. Hmmm… sino kaya itey?!

Napag-alaman ko mula sa aking source na ang pangalan ng newest girl sa buhay ni Papa Aljur ay si Ava Jugueta ng girl group na Pretty Young Thing (PYT). Ang nasabing newest girl ang nakabighani raw sa puso ng aktor.

Una silang nagkakilala sa audition ng Starstruck, hanggang top 30 lang umabot si Ava, at si Aljur naman ay unti-unting nakilala at nagwagi sa nasabing reality show. Si Ava naman ay sa isa pang reality show ng GMA-7 nanalo at ito ay ang Coke Ride to Fame.

Bagama’t hindi nabigyan ng pagkakataon na maging maugong ang pangalang Ava Jugueta, hindi maitatanggi na hindi siya magpapatalo pagdating sa kantahan, sayawan at lalung-lalo na sa paseksihan. Kung inyong matatandaan, si Ava ay naging hurado na rin at nakabatuhan ng punchline ng Unkabogable Star na si Vice Ganda noon sa Showtime. Ngayon ay napapanood natin ang fres face na ito sa Happy Yipee Yehey tuwing Lunes. Pak!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

One thought on “Ava Jugueta, bagong girlfriend ni Aljur Abrenica?!

  1. kailan ba aalisin si swarding dito sa pinoy parazzi? sa lhat ng mga writers dito, write ups nya lang ang walang kakwenta kwenta! nakakairita ang mga write ups nya! walang kwenta! binubuhat mo pa ang sarili mong bangko swarding! sinasabi mong nakakatawa ka?! hellooooooooo!!! NAKAKAINIS KA!!! CORNY KA!!! ikaw ang panira sa lahat ng writers dito!! … HAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.