Autopsy Report ng Rape-Slay sa Bicol, kinakapa pa rin

 

LEGAZPI  CITY – NANGA-NGAPA pa rin ang pulisya sa tunay na motibo at nasa likod ng pagpaslang sa isang estudyante ng Bicol University (BU).

Sinasabing nakasalalay umano sa resulta ng gagawing awtopsiya sa bangkay ng biktima ang maaaring maging susi sa pagkaaaresto sa taong nasa likod ng krimen.

Una nang lumabas ang ulat na malaki ang posibilidad na hinalay muna ang biktima maliban pa sa pagpukpok ng matigas na bagay sa ulo nito na naging sanhi ng kamatayan nito.

Marami na rin ngayon ang mga dumadalaw sa nakaburol na bangkay ng biktima sa chapel ng Brgy. Bascaran, Daraga, ang lugar kung saan din naganap ang insidente.

Nagpalabas na rin ng statement ang pamunuan ng Bicol University na mariing kumukondena sa pagpaslang sa biktima.

Hiniling ni BU President Dra. Faye Lauraya sa mga kinauukulan na bilisan ang isinasagawang pagsisiyasat sa krimen upang maibigay ang hustisyang hiling ng pamilya ng biktima.

Natagpuang wala nang saplot pang-ibaba ang biktimang si Laesybil Lim Almonacid, 3rd year Accountancy student ng unibersidad, ilang metro lamang ang layo mula sa isang military detachment sa lugar. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.