Australyanong Binihag ng Abu Sayyaf, Pinalaya na; $97,750 Ransom, Ibinayad

NAGBAYAD UMANO ng $97,750 na ransom sa Abu Sayyaf Group (ASG) kapalit ng pagpapalaya sa bihag nitong Australian na si Warren Rodwell matapos ang 15 buwan, base sa isang ulat.

Kamakalawa ng madaling-araw nang pinakawalan ng grupo si Rodwell sa Pagadian City matapos itong kidnapin noong Disyembre 5, 2011 sa bahay nito sa bayan ng Ipil sa naturang lalawigan.

Kapwa mang tikom magkomento ang pamahalaan ng Pilipinas at Australya sa pagbabayad ng ransom, isiniwalat ng Fairfax Media sa Australia na ayon sa key negotiator na si Basilan Vice-Gov. Al Rashid Sakalahul, aabot sa katumbas na $97,750 ang ransom.

Malayo ito sa unang demand ng grupo na ransom na $2 milyon.

Ayon pa sa negosyador, umabot sa $400,000 ang demand ng grupo noong nakaraang linggo.

Sa paglutang bilang key negotiator, nais niya aniyang buwagin ang alegasyong nakinabang siya sa bayarang ito.

Hindi naman aniya alam kung saan galing ang pera at inabot na lamang ito sa kanya ng asawa ng dayuhan na si Miraflor Gutang at kanyang kapatid na si Roger.

Samantala, iginiit naman ni Australian Foreign Minister Bob Carr na: “the Australian government never pays ransoms.”

Sa ngayon, nasa Zamboanga City na si Rodwell at nagpapagaling kung saan inaasahang tatagal pa nito ng isang linggo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.