Australyano, Patay sa Bigti

PATAY ANG Austral-yanong chief executive officer (CEO) ng isang IT company sa loob ng kanyang tinutuluyang Regency Park Townhouse sa Pampanga.

Natagpuan ng kasambahay na si Elizabeth Castillo sa hagdanan ng bahay ang wala nang buhay na katawan ng amo na si Paul Bryan Conlon, 50-anyos.

Tumatayong CEO ng ITE International Technologies na nasa loob ng Fil-Excel Compound sa Clark Freeport Zone ang dayuhan.

Matapos ang paulit-ulit na kawalan ng tugon sa kanyang doorbell, ginamit na umano ni Castillo ang kanyang duplicate na susi at tumambad na lamang sa kanya ang nakabigting amo.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, may live-in partner na Pinay ang biktima ngunit wala ito sa oras na nangyari ang insidente.

Wala rin umanong hindi pagkakasundo ang Pinay at ang biktima.

Samantala wala pa namang nakikitang senyales ng foul play ang mga imbestigador.

Dinala na sa Funeraria Pangilinan ang labi ng banyaga at nakatakda na ring dumating sa bansa ang mga kaanak nito.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat sa insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.