Australyano, kalaboso sa Pang-Aabuso sa mga Menor

SINAMPAHAN NG National Bureau of Investigation (NBI) Central Visayas ng mga kaso sa paglabag sa Anti-Human Trafficking Law, Anti-Child Pornography Law at Child Abuse ang isang Australian national ma-tapos mahuli na iligal na gumagamit ng mga menor-de-edad upang kumita ng pera.

Naaresto sa ginawang operasyon ng mga kinauukulan si Keith Robert Hutoon, taga-Sydney Australia, kasama ang dalawang dalagita sa loob ng inuupahan nitong hotel sa Lapu-Lapu City.

Sinabi ni NBI-7 regional director Atty. Antonio Pagatpat, matagal nang isinailalim sa surveillance ang salarin dahil sa paggamit nito ng mga bata upang pahubarin at kunan ng pictures sa computer.

Samantala, itinanggi ng dayuhan ang asunto laban sa kanya at pinabulaanan na pagmamay-ari niya ang laptop na nakuha galing sa kanyang kuwarto kung saan naglalaman ito ng maraming hubo’t hubad na larawan ng mga batang babae.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.