Australyano, Ginilitan

ISANG AUSTRALIAN national ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Itogon, Benguet.

Nakita ang bang-

kay ni Joseph Allan Adams, alas-7:30 ng umaga kamakailan sa kanyang bahay sa Alpa Village, Tuding, Itogon, na may gilit ang leeg.

Natagpuan ang naturang bangkay ng hardinerong si Jose Pallay na pumunta sa bahay ng dayuhan para kolektahin sana ang kanyang suweldo.

Bukas ang gate at pinto ng bahay ni Adams at nang siya’y sumilip, nakita niya ang duguang katawan ng biktima sa sofa kaya agad siyang tumawag ng mga pulis, ani ng hardinero.

Lumalabas naman sa paunang imbestigasyon ng mga kinauukulan, posibleng noong Linggo pa nangyari ang pamamaslang.

Patuloy pa rin sa pagsisiyasat ang mga alagad ng batas sa insidente at inaalam kung ano ang motibo at sino ang salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.