Aubrey Miles reveals son she hid for years *with exclusive photos*

WALA NANG IMPACT ang interview ng SNN (Showbiz News Ngayon) kay Aubrey Miles sa pag-amin nito na may anak na siya bago pa man lumaki-laki ang pangalan niya noon sa showbiz. Natatawa na lang kami dahil parang outdated nang masyado ang chikang ito, when everybody else in showbiz already knows this.

Kaya lang, ayaw talagang umamin ni Aubrey, kaya deadma na lang ang showbiz doon. Pero, hindi nangangahulugang walang katotohanan ‘yun. Sa showbiz kasi, hindi mo mapipilit ang mga artistang nagde-deny kahit nga mahuli pa ‘yan sa akto, kung ayaw nilang basta magsalita, wala talaga.

Bahala na ang mga taong humusga kung totoo nga o hindi ang chika. Kay Aubrey kasi, lingering chika ‘yan, at noon pa namin alam ang tungkol kay JP Obligacion na siya diumanong ama ng bata, na hanggang sa interview kay Aubrey sa “SNN”, hindi niya direktang masabi ang identity ng ama ng kanyang naunang anak.

Kaya nang magtagal ang pagsasama nina Aubrey at Troy Montero, naniniwala kaming natagpuan na ni Aubrey ang lalaking totoong magmamahal sa kanya. Kasi, nararamdaman naming tinanggap ni Troy sa kanya ang lahat-lahat. Hindi sila magtatagal kung pati ang bagay na ‘yun ay inilihim pa ni Aubrey kay Troy.

Kahit ano pa’ng justification ni Aubrey, the fact na matatandaan din ng bata sa paglaki niya kung paano siya itinago ng ina niya for whatever reasons, may epekto pa rin ito rito sa katagalan. Maaaring may mga paliwanag si Aubrey sa bata, pero ang suma-tutal niyan, may pagkakataong malinaw na inilihim ang tungkol sa bata dahil sa career at image ng ina sa showbiz.

Na kaya lang naman isinambulat na nang buong-ningning ngayon dahil wala na ring pakialam ang mga tao sa personal na buhay ni Aubrey.

May anak na siya kay Troy na nagngangalang Hunter, at matagal nang natanggap ito ng mga tao. ‘Yun na lang siguro ang consolation ni Aubrey, na sa pagkakataong ito, the truth will really set her free, pero sa paraang balewala na lang sa nakararami.

WE’RE VERY SURE na si Cristy Fermin, co-columnist namin dito sa Pinoy Parazzi ay nagkibit-balikat na lang sabay pagtatataas ng kilay. In all fairness kay Inay Cristy, lahat yata ng pasabog niya in the past ay totoo lahat. She may have lost sa libel suit sa kanya ng mga Gutierrez noon, pero what does this thing about Aubrey Miles proved again?

Na tama ang ipinaglalaban ni Inay Cristy. Mereseng ipangalandakan ni Aubrey noon ang diumano’y kasinungalingan ng columnist at dating TV host.

Isa pang recent pasabog ni Inay Cristy, ang dahilan kung bakit nasibak siya nang tuluyan sa Dos ay may kinalaman kay Nadia Montenegro, at ang diumano’y pagkakaroon nito ng anak sa ibang lalaki kahit daw nagsasama pa sila ng dating Mayor na si Macario “Boy” Asistio. Kapuwa nasukol sina Nadia at Inay Cristy sa situwasyong ito na nag-ugat lang naman sa problema noon sa pagitan nina Gabby Concepcion at Mommy Rose Flaminiano, at umabot sa sukdulan ang lahat.

May mga naapektuhan nga sigurong hindi na dapat nadawit sa isyung ‘yun, pero, come to think of it. Ang bottomline lang naman d’yan, time wil reveal kung sino ang nagsasabi talaga ng totoo. Lahat naman ng mga nakabitin na tanong ay nagkakaroon ng kasagutan sa takdang panahon, and all we have to do is wait.

Sa kredibilidad ni Inay Cristy, plus factor ang matapang niyang paglaban noon tungkol sa isyu na may anak na noon pa man si Aubrey Miles, na inilihim nito, at one point of her life.

Sa totoo lang, vindicated si Inay Cristy rito, at ilan pa kayang pasabog niya sa nakaraan ang lalo pang magpapatibay sa ipinaglaban niyang katuwiran?

Calm Ever
Archie de Calma

‘Di nga maitago pa ni Aubrey Miles sa publiko ang kanyang anak sa kay JP Obligacion, ang 8-taong gulang na si Mori. Kamailan nga lang, sakay ng Philippine Airlines, nagtungo ang mag-asawang Aubrey at Troy Montero, kasama si Mori at ang bunsong anak ng aktres kay Troy na si Baby Hunter, sa Seattle, USA para magbakasyon sa mga magulang ni Troy.

PARAZZI WIRES PHOTOS

loading...

3 thoughts on “Aubrey Miles reveals son she hid for years *with exclusive photos*

  1. There you go…. Puro kasi takip takip kuno eh laglag naman yung mga kepyas nila. Sa susunod CALL ME at puro kantot sarap lang at walang beybi na kasama dahil sa bunganga mo sasabog yung tamod ko

  2. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #53

Leave a Reply

Your email address will not be published.