AUBREY MILES, PINERSONAL NG MGA SURVIVOR PHILIPPINES VIEWERS SA TWITTER!

Dahil sa kanyang istilo ng paglalaro sa Survivor Philippines Celebrity Challenge, hati ang opinyon ng mga manonood sa naging tactics ng sexy actress na si Aubrey Miles.

Marami ang nainis dahil masyado itong ‘strategized’ sa kanyang mga galaw at kahit ang closeness nila ni Ervic Vijandre ay binibigyan ng malisya. Isa-isang nirereplyan ni Aubrey Miles ang mga nagtu-tweet sa kanya noong Sabado ng gabi. Ang iba’y nagsasabing tama ang naging strategy ng aktres sa paglalaro habang ang iba nama’y naipon na ang pagkapikon sa kanya. Inaasahang dadagsain ulit ng TV projects ang misis ni Troy Montero dahil talk of the town ito ngayon.

ELLEN ADARNA, BENTANG-BENTA PA RIN SA MGA BARAKO!

Hindi na uso ngayon ang Friendster, pero bentang-benta pa rin sa mga kalalakihan ang alindong ni Ellen Adarna. Regular na lumalabas ang dalaga sa Bubble Gang at sa katunayan nga, sumikat na ito sa internet bago pa man ito nakilala bilang isang sexy actress. Isa si Ellen Adarna sa mga ‘Pinay Friendster Personalities’ na sumikat noong panahon pa ng Friendster. Mahilig itong mag-upload ng mga sexy pictures at dahil wala pang privacy settings ang nasabing SNS website, marami ang gumawa ng fake accounts dahil na rin sa angkin niyang ganda. Cover ngayon ng isang panlalaking magazine si Ellen at in fairness, pinag-uusapan pa rin ito sa internet, huh? Hindi na kami magtataka kung dudumugin ito sa kanyang autograph signing.

JESSY MENDIOLA, BAGONG PANTASYA NG PRIMETIME SA SABEL!

Goodbye, Kokey. Hello, Sabel! Ito ngayon ang patikim ng bagong ABS-CBN Primetime Bida. Balik sa sexy-drama theme ang Dos sa pamamagitan ng Sabel, ang TV version ng dating pelikula ni Snooky Serna na ‘Bata pa si Sabel’. Ang teen actress na si Jessy Mendiola ang bagong ibini-build up ngayon ng Kapamilya network bilang bagong leading lady. Makakapares niya ang Gigger Boy na si AJ Perez. Bago pa man naging ganap na artista si Jessy, nagmo-model na ito para sa teen undergarments ng isang clothing line. Sa ngayon ay hot na hot sa internet ang mga larawan ni Jessy, kung saan siya’y rumarampa na naka-lingerie lamang.

PAGPIRMA NI JASMINE CURTIS SA TV5, IKINAGULAT NG FANS NI ANNE CURTIS

Pormal nang ipinakilala bilang bagong kasapi sa Kapatid network si Jasmine Curtis, ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis. Ikinabigla ito ng madla dahil ang buong akala ng iba’y sa Dos ito pipirma ng kontrata. Naging suki si Jasmine ng programang ‘Showtime’ nang magbakasyon ito sa bansa. Nakatakdang gumawa ng isang action-drama show ang utol ni Anne sa TV5, kung saan makakapares nito si JC de Vera. Marami ang nagsasabing kaiinggitan ito ng ilan sa mga mainstay ng TV5, dahil halatang desidido ang network na pasikatin ito nang bonggang-bongga.
Show Twitz

Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.