Aubrey Miles, natatakot magpakasal kay Troy Montero?

Aubrey-Miles-Troy-MonteroKABILANG SI Aubrey Miles sa hanay ng mga artistang sumabak magpaseksi para maihataw sa kasikatan ang kanyang showbiz career. Nakuha naman niya ang kasikatan na dapat mangyari nu’ng panahong kailangan niyang magpapansin sa showbiz, dahil marami rin siyang nagawang pelikula at puro pambida ang mga proyektong kanyang nakuha.  Napatunayan din niya na hindi lang puro katawan ang kaya niyang ipakita, dahil marunong siyang umarte.

Sakto rin naman sa panahon na habang nagkakahigpitan na sa paggawa ng sexy movies ay dumating sa buhay ni Aubrey si Troy Montero, at ang ligawan nila ay humantong sa malalim na relasyon na umabot na sa eleven years, pero hindi pa rin sila nagpapakasal. Hindi nila minamadali ang tungkol sa pagpapakasal, pero itinanggi naman ni Aubrey na kaya takot pa siya sa kasal ay dahil naranasan na rin niya dati ang malalim na pakikipagrelasyon pero nauwi rin sa hiwalayan.

Kahit naman daw si Troy ay hindi rin nagmamadali tungkol sa pagpapakasal. Pero heaven daw lagi sa pakiramdam ni Aubrey, na laging pinatutunayan sa kanya ni Troy na siya lang ang nag-iisang babae sa buhay ng dating hunk actor.  Magaan para kay Aubrey ang dating ng samahan nila ni Troy, dahil sobra silang nagkakaintindihan. Iyon daw ang sikreto kung bakit nagtatagal ang relasyon nila.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

3 thoughts on “Aubrey Miles, natatakot magpakasal kay Troy Montero?

  1. bakit pa magpapakasal? eh araw-araw naman yata yan nagsesex! sarap maging si Aubrey Miles! Malaki daw ang TT nitong si Troy eh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.