Aubrey Miles, muling nag-survive ang career!

SA BIYERNES NA ang finals ng Survivor Philippines Celebrity Showdown at hindi lang ang mga natitirang castaways ang mainit sa mga nagaganap. Dahil patapos na ito, pati ang mga sumusubaybay ay OA na ang reaksiyon sa ilang castaway na hindi nila nagustuhan ang ginagawa.

Isa na rito si Ervic Vijandre na dati’y gustung-gusto ng mga manonood pero ngayon ay kinaiiritahan na ng karamihan.

Nu’ng nakaraang Biyernes nga raw, muntik na itong napaaway nang lumabas ito kasama ang ilang kaibigang castaways.

Napagdiskitahan daw ito ng isang Australyano na gusto siyang awayin pero mabuti’t naawat naman at hindi umabot sa malaking gulo.

Naikuwento nga niya sa Startalk ang pangyayaring ‘yun at hindi naman daw nagkasakitan. Prinotektahan lang daw niya ang sarili para hindi rin siya masaktan. Mabuti’t naawat naman ito ng mga kasamahan niya.

Pero nakakaloka dahil talagang isa sa kinaiinisan na nga ngayon ay itong si Ervic. Pero kahit na, type na type naman ng mga kababaihan at kabadingan at tingin ko tuluy-tuloy na ito sa showbiz dahil dumarami na rin naman ang mga fans.

Hindi natuloy ang guesting ni Solenn Heussaff sa Startalk kaya ang tatlo lang na kabilang sa final four na nandu’n.

Pero sinagot naman ni Richard Gutierrez ang patuloy na intriga sa kanilang dalawa at may mga ilang malalapit nilang kaibigan ang nagsasabing wala talagang namamagitan sa dalawa.

Tuluy-tuloy na rin naman ang pagpasok ni Solenn sa pag-aartista dahil isa na nga raw siya sa leading ladies ni Richard sa Captain Barbell at ka-partner din ito ng aktor sa pelikulang gagawin sa Regal at GMA Films kasama raw si Eugene Domingo.

So, hindi na pala tuloy ang pagsasama nila ni Marian Rivera?

Samantala, inamin naman ni Akihiro Sato na may live-in partner na siya at hindi niya ito itinago kahit maraming mga kababaihang nadismaya. Gusto lang naman daw niyang maging tapat sa kanyang girlfriend at hindi niya ito kailangang itago.

Si Aubrey Miles naman, in fairness, lalong gumanda! Kaya lang patuloy na iniintriga ito kay Ervic at feeling ko lang, nagri-react na riyan si Troy Montero.

Nagka-career nga uli si Aubrey pagkatapos nitong Survivor.

PAPASOK NA ANG December at sunud-sunod na ang mga presscon ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Alam ko malapit na ang pagharap sa press nina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto para sa pelikula nilang Si Agimat at si Enteng Kabisote. Parehong may isyu ang dalawa na ewan ko kung sasagutin nila ito.

Ayaw na ni Sen. Bong na patulan pa ang mga pinagsasabi ni Hayden Kho dahil naglabas na ito ng statement niya. Sa totoo lang, nagagamit na siya para ma-promote lang ni Hayden ang pabango niya, ‘no!

Si Bossing Vic naman ay malamang sasagutin na rin ang tungkol sa kanila ni Pia. Sinabi naman niya noon na sa presscon na lang at isahang salita na lang dahil hindi naman siya kumportable na pag-usapan ito.

Mas exciting pa nga namang pag-usapan ang pelikula nila na, in fairness, maganda ang teaser at mukhang matataypan talaga ng mga manonood.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Aubrey Miles, muling nag-survive ang career!

  1. Hoy Lolit Solis, nakita mo yong picture ng kaibigan mong madatung na si Vicki Belo doon sa article ni Danilo Jaime Flores na ang title “DRA. VICKI BELO, KINASUHAN ULIT NG KLIYENTE”. Kung hindi pa, punta da dun at tingnan mo at ireport mo yong picture na yon sa kaibigan mong madatung. I’m sure pagnakita ito ni vicki mo, WALANG CHRISTMAS PRESENT FROM BELO MEDICAL ANG NAG PUBLISH NG PICTURE NA ITO!.

Leave a Reply

Your email address will not be published.