Aubrey Miles, liar?

OLA CHIKA! WALANG lihim na hindi talaga nabubunyag. Matagal ko nang pinagsisigawan noon sa aking programa at sa kolum ko rin na may anak na ang hitad na si Aubrey Miles. Ngunit kung anu-ano ang pinagsasabi ng maybahay nagyon ni Troy Montero. Na kesyo wala siyang anak at may pananakot pa na magsasampa ng kaso laban sa kung sinumang nagsusulat at nagpapakalat ng tsismis na may anak siya. Naghamon pa nga ito sa kung sinumang maglalakas-loob na maglabas ng ebidensiya. Ngunit iilan nga lang din ang may lakas ng loob na magbunyag sa itinatagong anak ni Aubrey.

Ipinaabot pa nga ng asawa ni Troy Montero na ilang taon bago niya ito inamin sa publiko, huh! Kung noon sa interview sa kanya, hindi siya natakot na ibunyag at sabihing hindi na siya virgin. Pero ang sarili niyang dugo’t laman, nakaya niyang itanggi, huh! Nakakaloka, ha!

Ngayong wala na sa sirkulasyon sa showbiz si Aubrey, ano ang gusto niyang mangyari? Porke’t inamin na niyang may anak na siya at malaki na ito, sisikat siyang muli? Tsk… tsk! Ang pangit kasing pakinggan na itatanggi niya ang kanyang dugo’t laman at pagdating ng panahon, aaminin din niya, huh!

Naku, hija! Tiwala ang mawawala. Sinungaling ka na sa harap ng maraming tao. Hindi po kita hinuhusgahan, kundi sinasabi ko lang sa iyo ang mga maling nagawa mo. Ang maganda lang, inamin mo na ito, at hindi mo dinala sa habambuhay na pagkatao mo.

NAGULAT AKO NANG pumutok ang balita at itine-text sa akin ng mga kaibigan ko ang nangyari sa ABS-CBN anchor na si Ted Failon. Matagal na kaming magkakilala ni Ted, kaya halos hindi ako makapaniwala sa nangyari sa kanya at sa kanyang asawa na nagbaril sa ulo, kung saan kritikal ang kondisyon ngayon ng asawa ng magaling na anchor.

Maraming anggulo ang tinitingnan ng mga imbestigador ngayon, kung saan hindi ligtas ang dating mambabatas.

Kahapon, hindi na tinapos ni Ted ang kanyang programa sa radyo at nagmamadaling umuwi ito, at nadatnan na nga lang niya ang asawa na nakahandusay sa loob ng banyo.

Pilit ko pong tinatawagan ang mabait kong kaibigan, ngunti hindi ko makontak ang kanyang telepono, at nakapatay ito. Nais kong malaman sa kanya mismo kung ano ang tunay na nangyari. Marami na kasi kaming pinagdaanan ng taong ito bilang magkaibigan. Magkasama pa kami sa isang istasyon noon, at hindi ito nagpakita ng kung anumang mali.

Kaya nagulat ako sa balitang pumutok na nag-suicide umano ang asawa nito. Tsk… tsk! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.