Aubrey Miles, itinangging tamad si Troy Montero!

ININAGTANGGOL NI AUBREY Miles ang karelasyon niyang si Troy Montero sa kumalat na isyung tamad daw ito at siya na lang ang nagtatrabaho para sa pamilya.

Unfair naman daw ito kay Troy dahil nagtatrabaho naman daw ang Fil-Am actor at pareho naman daw silang kumikita.

“Yung iba kasi, ‘yung mentality ng mga tao ‘pag hindi nagtatrabaho, ‘pag hindi nagsu-showbiz, hindi lumalabas sa TV, wala nang pera. Hindi naman ganu’n.

“Hindi lang nila nakikita, kasi behind the camera siya. Nagpu-produce siya with directors na mga kaibigan niya. Third time na ‘atang nagdirek siya ng isang telecom company. Then, ‘yung pumupunta kami ng States, they have work there. ‘Di lang alam ng mga tao.

“Ang hirap lang i-explain kasi siyempre hindi siya nakikita sa TV, meaning akala nila ‘di siya nagtatrabaho. Actually, kawawa nga siya, eh. Pero okay lang, ganu’n talaga eh,” himutok ni Aubrey.

Kahit hindi sila ganu’n ka-active sa showbiz, may mini-maintain din si Aubrey na dalawang pawnshop at malapit na nga raw buksan ang post production office ni Troy. Kaya hindi raw sila gugutumin kung hindi pa mabigyan ng regular na trabaho si Aubrey. May problema pa ang aktres sa kanyang manager na si Dondon Monteverde. Kapag matapos na raw ang kontrata niya roon, saka pa siya makapagtatrabaho nang maayos sa showbiz.

Si Aubrey ang cover sa July issue ng FHM at doon pinatunayan niyang kayang-kaya pa rin niyang magpa-sexy, dahil eight months na ang anak niyang si Hunter nang magpa-pictorial siya na parang hindi lang nanganak. Aprub naman daw ni Troy ang paghuhubad niya sa pictorial na ‘yun.

HANGGANG NGAYON, BUO pa rin ang grupo nina Richard Gomez at ng asawa niyang si Lucy Torres, Joey Marquez, Jomari Yllana, Antonio Aquitania at Arwin Santos na wala pang nakuhang manager. Sila pa lang daw muna at pansamantala, si Goma ang nakikipag-usap sa mga gustong kumuha sa kanila.

Nang nakausap namin ang aktor sa presscon ng pelikula nila ni Sen. Jinggoy Estrada na Bente, sinabi nitong tanggap na niyang maghiwa-hiwalay na sila dahil ang ilan sa mga kapatid nila kay Tito Dougs, may nakuha nang ibang manager.

Si Wendell Ramos ay hawak na ni Wyngard Tracy, ang magkapatid na Anjo at Ryan Yllana ay kay Malou Fagar na, at si Gelli de Belen naman ay pumirma na sa Backroom dahil nandoon naman si Ariel Rivera.
Okey naman daw ngayong sila na lang muna ang nakikipag-usap sa mga gustong kumuha sa kanila pero darating din daw ang araw na may makukuha na silang manager na siyang magha-handle ng kanilang showbiz career.

Si Goma ang parang leader nila ngayon at hawak pa nga raw nito ang telepono ni Tito Dougs.

Minsan, pinaglaruan daw niya ang ibang mga kaibigan at alagang malapit kay Tito Dougs, pinagtatawagan daw niya ito gamit ang phone ng namayapang talent manager. Naloka raw ang mga ito dahil ang pangalan ni Tito Dougs ang lumalabas sa phone ng mga ito.
Hindi raw nila ito sinasagot hanggang sa nalaman nilang pinaglalaruan lang pala sila ni Goma.

By Gorgy’s Park

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.