Aubrey Miles and Ely Buendia’s friend, stayed in the same hotel room overnight?!

SPLIT NA BA sina Troy Montero at Aubrey Miles?

Naitanong namin ‘yan, kasi, biglang me nagkuwento sa amin na nag-show itong si Aubrey sa Dubai kasama si Ely Buendia. Tapos, merong kasama doon si Ely na band member niya, Wendell Garcia ang name.

Tapos, nagpa-extend daw ng stay sina Aubrey at Wendell sa Dubai nang magkasama sa kuwarto.

Eh, siyempre, wala naman kami doon, malay ba namin kung hindi naman ‘to totoo o iniintriga lang ng mga kaaway niya itong si Aubrey.

Si Wendell, parang kilala yata namin ‘to. Tumugtog na ‘to dati kay Vice Ganda. Ewan ko kung iisa lang sila.

Pero kami naman ay hindi muna naniniwala sa ganyang tsika hangga’t hindi pinatototohanan ng mga sangkot sa isyu, eh.

Baka naman magkaibigan lang na matalik sina Aubrey at Wendell, ‘di ba? Saka ang alam talaga namin, sina Troy at Aubrey pa rin, eh.

Let’s wait for Aubrey to clarify this issue para malinawan tayong lahat, okay?

TALAGA PALANG PANG-PRIMETIME ang dating ng mga teleserye sa hapon ng ABS-CBN, ‘no?  Juice ko, binadyetan talaga nang bonggang-bongga ng ABS-CBN.

Kapamilya Gold ang tawag nila sa sabay-sabay na pagpapalabas ng Maria La del Barrio nina Enchong Dee at Erich Gonzales; Nasaan Ka, Elisa? ni Melissa Ricks with the powerhouse cast at ng Mula Sa Puso remake.

Juice ko, kung magaganda ito, hello!  Makakapagtrabaho ka pa ba o mag-i-stay ka na lang sa bahay para manood?

Oo, me TV rin kung minsan sa opisina, pero baka ngumanga ka na lang sa TV kesa magtrabaho, ‘di ba?

Nako, sana naman, ‘wag bumagsak ang ekonomiya sa puntong ito. Hahahaha!

HINDI KABA, kungdi excitement ang nararamdaman ni Lloyd Zaragoza ngayong papalapit na ang kanyang One Night Only with Lloyd Zaragoza come April 2 sa Area 05 (formerly Ratsky Morato) at 8pm.

“Eto kasi talaga ang gusto kong gawin, ang kumanta, dahil ito ang naging trabaho ko nu’ng araw sa Hong Kong for one year.  Akala ko nga, hindi na ‘ko makakabalik sa ‘Pinas, kaya doon sa HK, pag walang magawa, nagpapa-tattoo ako.

“Buti na nga lang, tinanggap pa rin ako ng Greenwich para maging endorser at ng Minsan Lang Kita Iibigin, eh. Mapapakinabangan ko pa rin pala ang tattoo ko.”

Sa ngayon, super rehearse si Lloyd, “Dahil nagbabalik ako as R&B singer, kaya dapat, bongga ang performance ko.  Saka excited ako, dahil makakatulong pa ‘ko sa mga breast cancer patients ng Philippine Foundation for Breast Care, Inc..

“Para sa kanila ‘to, saka para sa mga naniniwala pa rin sa akin na kaya kong bumalik sa passion ko, ang singing.”

Php500 lang ang ticket, kaya sa mga gustong manood at tumulong sa Kasuso Foundation, watch na kayo o kaya i-message kami sa twitter @ogiediaz.

“Bukod sa special guest kong si K Brosas, pupunta rin para sumuporta ang mga kasama ko sa Minsan Lang Kita Iibigin.

“Sana, sila rin!”

NAKALABIT NI MARTIN del Rosario nang di sinasadya ang trigger ng baril sa left breast ni Andi Eigenmann sa taping ng Minsan lang Kita Iibigin.  Nasunog ang bahagi ng dede ni Andi, pero okay na siya.

Nabaril naman at namatay si John Apacible ng sariling tiyuhin habang nag-iinuman sila.

Parehong baril.  At parehong nasa Minsan Lang Kita Iibigin sina Andi at John.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

11 thoughts on “Aubrey Miles and Ely Buendia’s friend, stayed in the same hotel room overnight?!

  1. yesss ogie totoo ito.. nakita ko mismo si aubrey dito.. pero hndi sa dubai. namamasyal sya sa mall at mismo may bakla sya kasama at isang lalaki..

  2. masyadong malisyo ang article mo madam ogie diaz alam mo nman palang hindi k sigurado bkit pinangalandakan mo n s buong mundo pano kong makarating k troy montero ang sinulat mo eh d nagulpe p c aubrey miles s kadaldalan mo bago k magsulat siguraduhin mo kong totoo may pangalan din nman iniingatan c aubrey miles tapos susulat k ng ganyan n nag stayed c aubrey at yon friend n eley buendia s isang room s hotel ng duadi, sana wag itong pagmulan ng gulo ng magkasintahan aubrey at troy, kundi uusigin k ng konsencia mo (kong meron k)

  3. ISA PA TONG SI AUBREY MILES MALANDI RIN YAN HAHA INIIPUTAN NA YATA NIYA SA ULO SI TROY DIBA MAY ISYU SA KANILA NI ERVIC VIJANDRE NUN SA SURVIVOR?

Leave a Reply

Your email address will not be published.