Atty. Berberabe, Pinarangalang CEO-of-the-Year

PINARANGALAN SI Atty. Darlene Marie B. Berberabe, President at Chief Executive Officer ng Home Development Mutual Fund (HDMF), mas kilala bilang Pag-IBIG Fund, ng Association of Development Financing Institutions in Asia and the Pacific (ADFIAP) bilang 2013 CEO-of-the-Year.

Sa Welcome Reception and Awards Night na ginanap sa Ulaanbaatar, Mongolia noong Mayo 22, 2013, kasabaya ng ADFIAP Annual Meetings, kinilala ang natatanging pamumuno ni Atty. Berberabe sa Pag-IBIG Fund na kung saan dinoble ang maaaring mautang sa housing loan mula sa P3 milyon na ngayon ay hanggang P6 na milyon na nang hindi kinailangang taasan ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro na P100.

Kinilala rin ang pinaigting na kampanya ng Pag-IBIG Fund sa pamumuno ni Atty. Berberabe na kung saan pinalawak sa lahat ng mga manggagawa ang maaaring maabot nito – kabilang na ang overseas Filipino workers, drivers ng public utility vehicles at mga kasambahay.

Itinuturing din si Atty. Berberabe bilang game changer sa industriya ng home mortage sa bansa.

Iginawad kay Atty. Berberabe ang ADFIAP Aartd dahil sa kanyang “unquestionable integrity and outstanding achievements” sa Pag-IBIG Fund.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.