Atrasadong Official Counting, Idinepensa ng Comelec

IPINAGTANGGOL NI Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez ang atrasadong pag-usad ng official counting ng poll body bilang National Board of Canvassers (NBoC).

Una rito, lumutang sa social networking sites ang sari-saring opinyon at ispekulasyon na maaa-ring minamanipula ang resulta ng botohan kaya ipinagpaliban ang pormal na pagbilang, bagay na kinontra ng komisyon.

Kakaunti pa lang ang pumapasok na data sa Comelec server kaya minabuti ng mga opisyal ng poll body na isuspinde muna ang naturang proseso, giit ni Jimenez.

Samantala, patuloy umano ang data transmission kahit walang anunsyo ang NBoC kaya kahapon ng umaga ay malaking volume na ng boto ang kanilang nabilang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.