Atong ang Gumagala sa Gambling Lords

NBI Director, IpinangungulektaMULI NA NAMANG bumalik ang maliligayang araw para sa kilalang “collector” ng iligal na sugal na si Atong Ang.

Ito ang ipinaabot sa Parazzi Investigative Team ng mga katiwala ng ilang gambling lord na ang ilan ay ayaw magpabanggit ng pangalan sa takot na mabuweltahan dahil ang itinuturo umano ni Atong Ang na kanyang ipinangungulekta ngayon ay mismong si Director Magtanggol Gatdula ng National Bureau of Investigation.

Ayon sa katiwala ng gambling lord na si Tony S., simula pa noong panahon ni Director Nestor Mantaring ay kumukolekta na sa kanila si Atong Ang ng para umano sa NBI, ngunit inaasahan umano nila na matitigil na ito sa pag-upo ni Director Gatdula.

Idinagdag pa ng source na sinabi umano sa kanila ni Atong Ang na para naman kay Director Gatdula ang kanyang kinukulekta ngayon, kaya nga nagbigay umano ng kautusan si Gatdula sa lahat ng NBI agents na huwag gagalawin ang illegal gambling.

Ito rin ang ipinahayag ng “katiwala” ng tinaguriang “honorable jueteng lord” ng Marikina na si Elmer Nepumuceno.

Matatandaan na walang humpay ang reklamo ng mismong ilang lokal na opisyal laban sa iligal na sugal nina Tony S. at Nepumuceno na may arawang kubransa na hindi umano bababa sa isang milyong piso bawat isa kina Nepumuceno at Tony S.

Ang iligal na sugal ng mga nabanggit na jueteng lord ay talamak umano sa Marikina, Makati, Pasay, Las Piñas, Parañaque, Taguig, Pateros, Muntinlupa at sa mga bayan ng Bulacan at Cavite.

Ipinahayag din ng mga “katiwala” nina Nepumuceno at Tony S. na hindi lamang sa kanila kumukulekta si Atong Ang, kundi inamin din umano nito sa kanila na lahat ng gambling lord sa bansa ay nagbibigay rin ng para kay Gatdula.

“Kung si Bong Pineda nga ay nagbibigay kay Gatdula, kayo pa!” Ito umano ang binibitiwang salita ni Atong Ang na may halo pang pagmamalaki.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.