Luking Gud: Ato Agustin, pinatunayan ang galing sa pagko-coach!

Pinatunayan muli ni ex-PBA player Ato Agustin na hindi lamang sa paglalaro siya mahusay kundi sa pagko-coach din. Una siyang nagbigay ng championship sa kampo ng San Sebastian College sa 2009 NCAA nang sikwatin ng Baste ang kanilang kampeonato laban sa San Beda College. Sa katatapos na Philippine Basketball League, iniuwi ng Excel Roof ang kauna-unahang kampeonato kontra sa Pharex B-Complex.

Si Agustin ang siyang head coach ng team which is halos lahat ng players sa naturang koponan ay pawang mga taga-Baste at suportado rin ito ni Mayor Dennis Pineda ng Lubao, Pampanga sa tulong ng kanang kamay niyang si Mr. Charlie Chua at team manager Edwin Chua.

Bago pa nakuha ng Excel Roof ang championship, dumaan muna sila sa butas ng karayom. Sa tatlong quarters ng laro ay lamang ang Pharex B. Pasalamat sila at nagtamo ng injury ang nahirang na Best Player of the Conference na si Vic Manuel, produkto ng PSBA. Sinamantala ng mga alipores ni coach Agustin ang pagkawala ni Manuel sa loob ng hardcourt. And that time, hindi gaanong nakapaglaro si Marlon Adolfo, team mate ni Manuel, na siyang dahilan kung bakit nagmistulang napilay ang Vitamin B-Complex.

Sa pagkaka-champion ni Ato Agustin, siguradong maraming magkakainteres sa kanya na kuhanin ang kalibre niya para maging head coach sa PBA, o puwedeng maging assistant coach. Iba talaga ‘pag point guard, mahusay mag-coach. Ibig naming sabihin, karamihan sa point guard ang laro, kapag nag-coach ay magagaling.

Luking Gud
by Toni Lu with Malou Aquino
Pinoy Parazzi

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.