Atention: PhilHealth

 

ISA PO akong dating OFW at ngayo’y maybahay na lamang. Naka-confine pa po sa isang ospital ang aking anak dahil sa pneumonia. Regular po akong contributor sa PhilHealth. Nakalagay po sa guideline ng PhilHealth na P30,000.00 ang coverage ng anak ko dahil severe pneumonia. Nag-certify ang doktora ng anak ko na ganu’n nga ang kaso. Pero nang lapitan ko po ang PhilHealth, sabi nila’y hanggang P10,000.00 ang coverage dahil mas gusto ng ospital na cash o pera ang ipambayad namin sa kanila. Para saan pa po ang PhilHealth kung ang ospital ang nagdedesisyon sa kung magkano ang dapat na coverage? — Gemma ng Marikina City

 

SADYA KO munang ‘di inilathala ang pangalan ng ospital dahil nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang PhilHealth. Nang tanungin namin ang Philhealth, mali raw ang ginawa ng ospital at ito ay kanilang ipapaimbestiga. Tatawagan ko rin ang DOH para imbestigahan ang nasabing ospital.

Marami na rin kaming natatanggap na report tungkol sa ganyang mga maling gawain ng mga ospital. Ikinakatuwiran nila na matagal daw silang makasingil sa PhilHealth kaya binabraso nila ang mga pasyente na magbayad ng cash. Pero ayon naman sa PhilHealth, nasa oras ang kanilang pag-reimburse sa mga ospital. Ito ang sinabi ni Mr. Mon Acoba ng PhilHealth nang kapanayamin ko siya sa radio program ko.

 

LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: omecandazo@yahoo.com

 

 

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.