Ateneo at UP, inilipat ang pagbubukas ng klase sa Agosto

UUMPISAHAN NG dalawang nangungunang unibersidad sa bansa, ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Ateneo De Manila University ang paglilipat ng pagbubukas ng klase sa Agosto mula sa dating Hunyo.

Base sa report ng Philippine Collegian, na siyang opisyal na pahayagan sa UP-Diliman, ngayong Agosto 2014 ipatutupad ang bagong academic year nito sa lahat ng campus maliban sa Diliman, dahil sa pagtutol ng ilang sektor.

Ibig sabihin magbubukas na ang unang semestre sa Agosto at magtatapos sa Disyembre, habang sa Enero hanggang Mayo naman ang ikalawa.

Magiging Hunyo at Hulyo naman ang break ng mga mag-aaral.

Taong 2015 naman balak ipatupad ng Ateneo ang kanilang bagong academic calendar.

Lumalabas sa post ng opisyal na Facebook page ng nasabing unibersidad, sakop ng bagong kautusan ang Loyola Schools at Professional Schools ng Ateneo.

Magsisimula ang bagong iskedyul sa Agosto 2015 hanggang May 2016 school year.

Mananatili naman ang June-March academic calendar sa ADMU Grade School at High School.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.