Ate Vi,proud sa pagiging babaero ni Luis? – Julie Bonifacio

MAGBABALIK-PELIKULA NA si Kris Aquino. Last Tuesday ay nakipag-meeting na si Kris sa ABS-CBN executives. The meeting was called para sa bagong TV show ni Kris for ABS-CBN at pelikula na gagawin for Star Cinema.
Mahigit tatlong taon na rin ang nakaraan nu’ng ginawa ni Kris ang last movie niya na Sukob with Claudine Barretto. Siya dapat ang bida sa T2 ni Direk Chito Rono at third movie sana nila together after Feng-Shui and Sukob. Pero she begged-off dahil na rin sa kalagayan ng kanyang ina.
Maging ang movie sana na pagsasamahan nila ni Eugene Domingo na official entry dapat ng Star Cinema sa 2009 Metro Manila Film Festival ay di natuloy. May plano rin noon na magsama sila ni Willie Revillame sa pelikula para sa Star Cinema.
Ngayon, mukhang ready na si Kris na gumawa ng movie.Nabanggit din ni Kris na isa sa pag-uusapan din sa meeting niya sa ABS-CBN ang isang malaking proyekto na may kinalaman sa kanyang ina na si President Cory.
In fact, kasama niya sa meeting ang kanyang brother-in-law na si Eldon Cruz, mister ng panganay na kapatid nila na si Ballsy Aquino-Cruz. Posible na ang pag-uusapan ay ang pagsasa-pelikula ng lifestory ni President Cory para sa Star Cinema na according to Kris and her family, ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at si Piolo Pascual ang gusto nila na gumanap bilang kanilang ina at ama na si Senator Ninoy Aquino.

NAGSALITA SI BATANGAS Governor Vilma Santos na ayaw muna niyang tiyakin na magagampanan niya ang lifestory ni president Cory sa big screen. Katatapos lang daw niyang gawin ang In My Life at baka masita na siya ng kanyang mga constituents sa Batangas kung puro pag-aartista na lang niya ang kanyang aasikasuhin. ‘Yan ang sabi ni Ate Vi sa presscon ng Bear Brand recently.
May mga tsika na ang dahilan ng break-up nina Luis at Angel ay dahil sa pagiging babaero ng anak ni Governor Vi. Nabasa diumano ni Angel ang text messages ni Maricar Reyes sa cellphone ni Luis.
“Noong araw pa naman nila sinasabi na babaero ang anak ko, e! Aba, I should be proud…as a mother. Pero ‘yung para sabihin ‘yung alam mo rin naman na hindi totoo, e, may pagka-unfair din naman ‘yun. Kung meron din namang makakaalam, ako rin in a way, kahit papaano, as the nanay. Kasi tuloy-tuloy pa rin ang communication namin ng anak ko kaya medyo nasaktan din siya. Alam n’yo naman si Luis, malambing kahit naman sa inyo, e. Ma-touch ‘yan, palatawag ‘yan. Kung may email ka, lagi mong ka-email ‘yan, sa Facebook niya. Si Luis, ganyan ‘yan.
“So with other women, even may girlfriend siya, ganyan din siya. Sometimes, nami-misinterpret ‘yun. So, kung ‘yun ang sinasabi ni Luis na pinaninindigan niya na walang third party, I will believe my son and same thing with Angel. Kung sinabi ni Angel na there’s no such thing between her and Sam [Milby], why not, I believe Angel, too. I mean, nakita ko ‘yung relationship ng dalawa, e. Ang ganda ng suporta, respeto at pagmamahalan ng dalawa. Du’n, testigo ako,” diin ni Governor Vi.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

6 thoughts on “Ate Vi,proud sa pagiging babaero ni Luis? – Julie Bonifacio

  1. it was taken out of context. i don’t think thatst what it meant. how do you know napalaging basted si luis? kasama nyo ba sya 24/7 at bakit naisencure si angel kung talagang laging basted si luis?

Leave a Reply

Your email address will not be published.