Ate Vi, pinagtatawanan lang ang pagsemplang ng lovelife ni Luis

ANG SARILING PAMILYA ni Heart Evangelista ang sobrang nalulungkot ngayon sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng young actress ngayong mga panahong ito. Napakasipag daw magtrabaho ngayon ng kanilang anak para sa career nito, kaya naaawa raw sila, dahil sa halip nga namang puro taping ng pinag-uusapan nga-yong maganda niyang teleseryeng Dwarfina sa GMA-7 ang mapagtuunan ng pansin ng dalaga, iniisip din nito ang mga intriga.

Pero tiwala naman kay Heart ang kanyang mga magulang, na anuman ang mga kontrobersiyang mayroon ngayon,  malalampasan din ng kanilang anak. Sa mga nangyayari ngayon sa young actress, nagsusuportahan sila, lalo pa’t okey na nga ang kanilang samahan nga-yon. Matatandaang noong si Jericho Rosales pa ang kasintahan ng dalaga, nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Nag-aapoy pa rin sa kanyang galit si Tita Annabelle Rama laban sa dati niyang alagang si Heart. Okey naman, dahil hindi sinasabayan ng young actress ang galit ng mommy ni Ruffa Gutierrez para mauwi iyon sa mainitang sagutan. Marami ang nagulat sa huling salitang pinakawalan ni Tita Annabelle, na dahil sa kawalan ni Heart ng utang na loob, pati ang kanyang mga magulang ay nilayasan ng tatlong taon nu’ng magka-relasyon pa sila ni Jericho.

HINDI NA DAPAT mag-alala ang mga nagmamahal kay Governor Vilma Santos-Recto tungkol sa kanyang kalusugan.  Kamakailan kasi, nasulat na mayroon siyang karamdaman, kaya marami ang nagtatanong kung okey na ba siya?  Nakakapasok na ulit siya sa kanyang opisina sa Kapitolyo ng Batangas. Noong January 27, dumalo siya sa pagdiriwang ng 36th Anniversary of Lipa City Water District at nang araw ding iyon, marami pa siyang hinarap na mga trabaho.

Tinatawanan lang ni Ate Vi ang mga nangu-ngumusta at nagtatanong sa kanya kung bakit sumesemplang pa ngayon ang lovelife ng pa-nganay niyang anak na si Luis Manzano, pagkatapos ng pakikipagrelasyon nito kay Angel Locsin. Nasa tamang edad na kasi ang TV host, pero sa dami ng mga babaeng inili-link sa binata, wala pa rin siya ngayong inaamin na bagong girlfriend.

“Hindi naman nakapagtataka ‘yan, dahil puwedeng namana rin sa akin ni Luis ‘yung ganyang pagtatagal bago magpakasal. Sa ngayon kasi, ang dami pang gustong gawin ng anak ko. Maganda ang takbo ng kanyang career, kaya hinahayaan ko lang siya. Lalayo pa ba tayo? Ako nga, nagtagal din bago nagpakasal. Hitsurang ipinagtutulakan na ako ng mga kaibigan ko noon para mag-asawa,” wika ni Ate Vi.

HINDI TALAGA NAUUBUSAN ang talent manager na si Lito de Guzman ng mga baguhan na puwede niyang tulungan para mapasikat sa showbiz.  Habang  medyo   nagluluksa pa sa kalungkutan si LDG tungkol sa karumal-dumal na pagyao ng kanyang alagang si Rejoice Rivera, heto naman at mayroon ulit siyang bagong tinutulu-ngan, si Lyka Soledad na ang linya naman ay sa pagkanta. Pero nang makaharap ko sa personal si Lyka, pasado ring maging sexy star ang kanyang hitsura, dahil bukod sa maganda siya, morena ang kutis ay sexy siya na boobsie at maganda ang kanyang height.

Sinisimulan muna ng LDG Multi-Media Productions na ipakilala si Lyka bilang singer sa pamamagitan ng Galaxy Records.  Siya ang kumanta ng “Sanay Ka Na Ba?” at nang mapanood namin ang kanyang music video, nakakaaliw siyang panoorin, dahil marunong mag-emote kaya pasado talagang mag-artista. Ang boses niya ay pinaghalong timbre ng boses nina Didith Reyes, Geraldine, Claire dela Fuente at Eva Eugenio.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

17 thoughts on “Ate Vi, pinagtatawanan lang ang pagsemplang ng lovelife ni Luis

  1. problema na ni anabel iyan,,si heart wala na sa kany iyon,2010 pa iyon,,wag ng nega jan,,,mag work nalang at mag ipon,,nag iipon si heart at si daniel para sa future nila,,,habang may work,,sige ng sige,,,bakit mo pa iisipin ang mga nega na tao,,,diba,,si GOD nalang ang iniisip ni heart at daniel now,,kase they want to have a strong christian family soon,,madmai ng falied relastionship noon si heart,,kaya ingat sya now,,,ok naman si daniel,,kase gud influence ito sa kanya,…mas matured at sensible na tao si heart now,,,mukha ngang sila na ni daniel hangang sa alatar pero soon pa iyon,,nag iipon pa sila,at tutok sa work,,love themm,,di gaya noong sila ni echo,,magulo,,nakuha pa nilang magkasala diba,,nag live in sila,??tsk,,sayang!

  2. hay nako,,LUIS is such the man we ought to be,,ok sya,,bilang asawa at ama ,,,if time comes na mag asawa na sya,,bata pa din naman sya,,wag nyang apurahin baka maling tao ang makasama nya,,let god do it for him,,i find him,,well values,smart,sensible,maayos,mabuting tao,,at sincere,,kaya lang in gods tym,,talaga,,ayaw ni angel ang magka lovelife now,,bata pa din,,tutok s awork muna at sarili,,mahirap na,,e…if the ryt one comes,,tapos,,gods tym pa,,ok na,,now,,wait and see muna,,,ayusin ang sarili at mas kilalanin ang dyos,,,mas importante iyon bago ka magmahal,,diba,,

  3. i love DWARFINA,,ganda ni heart at magaling syang actress,,,like ko si WILL DEVAUGHN duon,,ok din syang umarte,,lakas din ng apil,,,maging sina ANGELIKA DELA CRUZ,,PAULIN LUNA,,love it,,

    go!heart,,focus ka sa work,focus kayo ni DANIEL sa work at pagiipon para sa future nyo,,wag nyong intindihinmga inggit jan,,kase ang tao naman ang may gusto sa inyo kahit ka gusto ni anabel,,kase di na sya kikita ng malaki kase wala ka na,,im sure,,JC DEVERA soon,,magiging kapamilya na,,baka iwan din sya,,wahahaha,,,ang tanda na nya,,di pa nya alam ang kasabihang thats life!!,,..sana nga sila na ni daniel ,bagay sila,,at isang simlle,humble,mabuting tao at maka dyos si daniel na naging gud influence kay heart basta alam lang nila ang limitasyon nila ,,para iwas buntisan diba,,mahirap na,,long way to go hearty,,bata kapa,,kayo ni daniel,

  4. WE LOVE HEART EVANGELISAT,,DI KUMUKUPAS ANG KINANG,,ISA SYA SA MAY MAGANDANG FACE SA BIZ,,ALONG WID KRISTIN HERMOSA,ROXANE GUINOO,CARLA ABELLANA,MARIAN RIVERA,,KAYE ABAD,.BET TAMAYO,CRISTINA GONZALES,LJ MORENO,etc,..pretty talaga at malakas ang star apil nya,,talented pa,she can act,sing ,dance ,smart pa,,,we love u heart,,wag mo ng pansinin si ananbel,,basta ikaw,,humingi ka ng tawad ,ok iyon bilang tao,,bahala na sya,,we must all moving on,,watever happens,ang tutkan ni anabel ay ang anak nyang si rufffa na baka mabuntis ni jlc na ngagagamitan pa daw sa kama,,wahahah,,kaya iritable si shainang immatured,,wahahaha,…yun lang,,

  5. tama iyan luis, strike while the iron is hot. at least si luis hindi umasa sa mga magulang niya. kung ano man ang achievements at tinatamasa niya ngayon sariling pagsisikap nya yun. nakawala siya sa shadow ng mga parents niya and he works his way up. napaka swerte ng mapapangasawa ni luis gwapo na matalino pa at very hardworking pa. Keep it up Luis, pasasaan ba at darating din ang babaeng nararapat sa iyo. God Bless you!

    • …agree… may respeto sa magulang at mabait sa mga kasambahay…mukhang sweet, kaya ganun nalang ang tingin sa kanya ng iba dyan…

    • Sobrang busy kasi ni Luis dahil napaka-in-demand and talagang talented. Tama lang yan at least kapag nag-asawa siya, madami na siyang ipon. Yung iba nga, sumikat pero ngayon halos nanghihingi ng limos makauwi lang.

      • I agree. He'll be laughing his way to the bank habang ang mga nega rito ay uupo na lang sa sulok at iiyak dahil walang makain. I think it's called Karma.

      • I agree with you doods, yong iba doon ang iniintindi lang ang ngayon at hindi pinaplano ang future nila, hindi naging wise sa kanilang career at kung hindi na bumango doon naging mahirap at balik na naman from start. At least si Luis kuripot pero maraming pera at kung hindi na sya mabango, hindi na sya madagdag sa maging palamunin ng ating goberno.

Leave a Reply

Your email address will not be published.