Ate Vi: Go lang kung sakaling bading ang anak na si Luis Manzano!

NOONG LUNES, KASAMA ko si Gov. Vilma Santos sa kanyang tanggapan sa Kapitolyo ng Batangas. Buong pagmamalaking inisa-isa ni Gov. Vi ang mga dahilan kung bakit kailangang maging pangunahing tourist spot  ang Batangas. Dito raw kasi  makikita ang magagandang tanawin at isa na nga rito ay ang pamosong Taal volcano, bukod pa sa mga naggagandahang beach na madaling puntahan at hindi na kailangan pang mag-eroplano.

Hindi ang masasarap na suman, minatamis, balisong at magandang karagatan ang higit na kumintal sa aming isipan, kundi ang aktor na si Luis Manzano na ngayon ay umamin nang karelasyon niya si Jennylyn Mercado. Ayon kay Ate Vi, matagal na niyang alam na mag-on sina Luis at Jennylyn, dahil bukod pa sa naikuwento na sa kanya ng binata noon pa man ay nadala na raw ni Luis si Jennylyn sa kanilang bahay.

Walang nakikitang masama si Ate Vi sa pakikipagrelasyon ni Luis kay Jennylyn at sa katunayan, kung sino raw ang mahal ng kanyang anak, mahal niya na rin dahil bilang ina ay never daw siyang nanghimasok sa pribadong buhay ng kanyang anak.

Samantala, dahil sa mainit na isyung KC Concepcion at Piolo Pascual, kung saan ang usap-usapan ay gender ang tunay na dahilan ng hiwalayan ng dalawa, kabado man ay naglakas-loob kaming magtanong kay Ate Vi. “Paano kung totoo ang tsismis na bading din si Luis?”

Alam n’yo ba kung ano ang isinagot ni Ate Vi? Namilog ang kanyang mga mata at malalakas na halakhak ang kanyang pinakawalan.  No. Hindi. Imposibleng mangyari dahil alam ni Ate Vi na lalaking-lalaki ang kanyang anak. Pero kung sakaling bading talaga si Luis? Eh, ano ang magagawa ni Ate Vi kung du’n magiging maligaya ang kanyang anak, eh ‘di sige. Gow lang gow! Wala naman daw masama sa pagi-ging bakla as long as wala kang masamang ginagawa sa iyong kapwa.

At dahil mainit na pinag-uusapan sa showbiz ang hiwalayang KC at Piolo, may nagtanong sa Star for All Season kung naniniwala ba itong pink ang dugo ni Piolo dahil nakasama niya ito sa pelikulang Dekada ‘70 noon. Bagamat masayang humahalakhak si Ate Vi, nakiusap itong huwag na siyang idawit pa sa usapin dahil baka isipin ng iba na nakikisawsaw siya sa isyu. “Huwag! Ayoko… pangit. Kung anuman ang problema nila, hayaan na lang natin sila,” pagwawakas ng Star for All Seasons.

 

NAGPAALAM NA SI DJ Mo Twister sa ilang piling kaibigan sa showbiz. Iiwan na raw nito ang showbizlandia dahil nais na nitong mamuhay nang normal.

“Masyado kasi siyang nasaktan sa paghihiwalay nila ni Rhian Ramos,” sabi ng aming source, na nagkuwento ring ibinebentang lahat ni Mo ang kanyang mga kagamitan. “For good na kasi sa abroad si DJ Mo. Mas gusto nitong manahimik na lang.”

Nagsimula nang magbenta si DJ Mo ng mga gamit niya sa murang halaga lang. “Kung ako sa kanya, ipamigay na lang niya sa kanyang mga friends ‘yung mga gamit na hindi na niya kai-langan para mas bongga siya,” sabi ng isang showbiz writer na kilala sa pagi-ging harbatera na ikinahalakhak lang namin.

Anyway, lahat daw ng paraan ay ginawa na ni DJ Mo para mapatawad lang ni Rhian, subalit matigas ang aktres sa naging desisyong hiwalayan na ang may kadaldalang showbiz personality.

At dahil hiwalay na sina DJ Mo at Rhian at imposible nang magkabalikan, may blind item na pinag-uusapan na diumano ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ay hindi raw pinanindigan ng aktres ang “muntik” nang pagiging ina nito, na ikinagalit noon ng host.

Tanong: Totoo nga bang nagpabalik ng angel sa langit si Rhian Ramos? Tsuk!

 

More Luck
by Morly Alinio

loading...

13 thoughts on “Ate Vi: Go lang kung sakaling bading ang anak na si Luis Manzano!

  1. oo nga Bading si Luis!
    or pwede ring silahis. sabi nga noong kasikatan daw ni Ate Vi, si Lucky napapaligiran ng mga beki kaya naging beki din.

  2. bading, si luisa, itanong nyo kay nancy, angel at anne, bading sya, kaya hiniwalayan ni angel, nahuli sya may lalaki, now naman, ginagamit si jennelyn, para maitago lang ang paka bading, hindi nya kayang gumawa ng bata, kaya gusto may anak na…. ha ha ha, katulad din sya ni piolita, ngtatago, ay naku kc, bruha ka, sasabunutan kita, mukha ka ng bakla, kumuha ka pa ng bakla

  3. Mula pa noon ang tsismis na yan  na beki si Luis, itanong nio po sa matapang na writer na si Tito ALfie , sasagutin lang kayo nion ng Whaaaaaaaat? Tanong ba yan ng matinong  tao? Tanga ka ba o nag tatanga tangahan lang o kumbinasyon ka ng dalawa? Para kang nagtanong kung Mega Star ba si Sharon Cuneta….o Superstar ba si Nora Aunor…iisa lang ang sagot ! YES!

  4. Kung bading man si Luis, he is not the only one among the thousands or even million badings in the Pinas. And besides what is wrong with bading. Ang importante, si Luis is rich and a successful businessman and being successful in the business means a huge help to our country dahil kung malaki ng income nila, malaki rin ang tax na binabayad nila para sa pulubi nating pamamayan.

  5. MANIWALA KAYO NA FOR GOOD YANG MO NA YAN.BABALIK DIN YAN KASI DOON SA AMERIKA BAKA ANG TRABAHO NYA EH GASOLINE BOY SYA O KAYA AHENTE NG MGA KASEROLA. NAKU YANG MGA FIL AM NA YAN DITO LANG NAMAN SA PINAS MAY MAGANDANG TRABAHO PERO PAGDATING SA AMERIKA EH KAHIT PAGHUGAS NG PLATO PINAPASUKAN MAY MAKAIN LANG.

  6. heller hindi bading si luisa…. gurl sya..gurl na gurl….dami talagang mga ewan kung tanga o nagta tanga tngahan lang…  para bang kailangan pang itanong na “BEKLA ba si Raymond Gutierrez at si Butch FRancisco”? eh alam na lama naman nila ang ANSWERS… yun na!

  7. rhian ramos – totoo na nagpa abort yan. i work in the hospital where she had the procedure done. nakakanginig lang din at naatim ng OB nya gawin yun, pinalabas lang kunwari na she has a different medical condition pero she was actually pregnant. ibang name ang ginamit nya, and it was just an out-patient procedure.

  8. drama naman niyang pandakekok na mo twister na yan…….aalis kunyari, pero pustahan babalik den yan d2 sa pinas………..di lang niya matanggap na may iba ng dinedate si rhian kaya ayun bigla niyang kinalat ang baho ni rhian……igagaya niya pa sa mga babae niya noon na inanakan niyang si bunny na abnormal anak nila tapos si janet mc bride na sinira niya career…..buti nga natauhan si rhian………yabang niyang pandakekok na pangit na mo twister na yan….

  9. ANO NMAN NKAKAGULAT KUNG NAGPA-ABORT MAN C RHIAN RAMOS EH HALOS LAHAT NMAN NG BABAE SA SHOWBIZ EH GAWAIN NA YAN. PURO KASI KAPUTAHAN AT KAIMORALAN ANG MGA ALAM. PURO KANTUTAN TPOS KAPAG NABUNTIS IPAPALAGLAG. KAKARMAHIN DIN YAN! BWAHHAHAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.