ATE SHAWIE AT ATE VI, MAGSASAMA SA MOVIE!

TULOY NA PALA ang pelikulang gagawin nina Vilma Santos at Sharon Cuneta under Star Cinema sa taong ito, ayon sa malalapit na kaibigan ng dalawa. Excited na nga raw ang Megastar sa project. Pero may tsika na gagawa rin ng pelikula si Ate Vi sa GMA Films at TV5. Uunahin lang ng Star for All Seasons ang pelikula nila ni Sharon.

Bukod sa movie sa Star Cinema, may TV special rin siyang gagawin sa ABS-CBN. Inoperan din si Ate Vi ng Kapatid Network ng weekly TV show na sa Batangas City mismo ang taping. Excited nga ito dahil espesyal sa kanyang buhay ang magiging co-host niya. Hindi lang ma-linaw kung ito’y isang game show.

May offer din si Adolf Alix kay Ate Vi to do an  indie film para sa Cinemalaya 2011. Pero pinag-aaralang mabuti ng Gobernadora kung tatanggapin ang nasabing project. Hindi madali para sa magaling na actress na gawin ito. Siyempre, prio-rity niya ‘yung project nila ni Sharon na tiyak na patok agad sa takilya.

First time kasing magkakasama ang Megastar at Star for all Season. For sure, breaking all box-office record ito sa takilya.

AT PEACE NGAYON ang takbo ng pagsasama nina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Walang negative issue sa mag-asawa. Tahimik lang sila kahit pilit na pinaghihiwalay ng intriga. Kamakailan, nabalitang nagbakasyon sila sa Hong Kong para raw ayusin ang hindi nila pagkakaunawaan.

Ayon sa nakakita kina Claudine at Raymart, masayang namamasyal ang mag-asawa sa Kowloon na parang walang mabigat na problemang dinadala. Magka-holding hands habang naglalakad na para bang magsyota lang. Ibig kayang sabihin, naayos na ang hindi nila pagkakaunawaan dahil lang sa isang lalaking pilit na inuugnay kay Claudine?

Hindi kasi mamatay-matay ang issue na hiwalay na sina Claudine at Raymart kahit sinasabi nilang solid ang kanilang pagsasama. Mismong si Marjorie Barretto, pinatotohanan na maayos ang pagsasama ng mag-asawa. Ewan nga raw niya kung saan nanggaling ang balita na hiwalay na ang dalawa.

Basta ang masa-sabi ni Marj, “She’s okay, everybody’s okay. They’re not hiwalay, I swear!”

Very colorful ang lovelife ng Barretto sisters. Palaging may mga lalaking pilit na inuugnay sa magkakapatid. “Sanay na kami sa intriga. Ma-runong na kaming i-block ang mga negative issue sa buhay namin. So, kung anumang intriga ang dumating sa amin, hindi na ako nahu-hurt,” sey pa ni Marjorie.

UMARIBA ANG SHOWBIZ career ni Ms. Cynthia Sol nang manalo siya sa weekly show ng Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo. At the age of 65, ginulat niya ang publiko sa naiiba niyang solo dance number. Maging ang mga judges sa nasabing talent show na sina K Brosas, Tuesday Vargas, Cherie Gil at Direk Manny Castañeda ay ginulat niya sa napakaganda niyang performance.

Tuloy, binigyan si Ms. Cynthia ng special dance number kapareha si Jon Avila sa nakaraang Grand Final ng Talentadong Pinoy na ginanap sa Ynares Center, Antipolo. Lalong pinahanga ng 65 years old from Angeles, Pampanga ang mga manonood all over the world.

This coming April 30, kasama rin ang The Dancing Diva na si Ms. Cynthia with her solo number with the band sa concert ni Nyoy Volante Much Love…Nyoy with Jovit Baldivino at Zirkoh, Tomas Morato. Special guest performers sina Laarni Lozada, K-La, MJ Ringor, John Limon at Marc Cubales.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

9 thoughts on “ATE SHAWIE AT ATE VI, MAGSASAMA SA MOVIE!

  1. Expected na naming mga sharonians na puro fans ni maricel ang mahilig mag comment dito ng negative about mega. Hahahahah

  2. Kaya nga nakikisawsaw si Sharon sa awayang Christine at Sarah dahil may movie rin si Sharon at Juday with Sarah at kailangang magingay par mapansin.

    • Kaya pala? Iyon talaga ang ginagawa ng mga artista, kung may coming movie sila, parang ma involve sila sa mga away-awayan? Hindi yata yon maganda, parang ang kalabasan tuloy manggagamit, sana hindi ito totoo.

      • asus inggit ka lang kasi walang proyekto idol mo. nagagawa mo pang magbasa ng articles about sharon. masyado mo namang sinusubaybayan si sharon.

  3. Thank you Mr. Eddie Littlefield for this great news…looking forward to see my idol for all season Batangas Governor Vilma Santos on big screen again.
    Hopefully, the TV program will push through, I really miss her and seeing her weekly will make my day.

Leave a Reply

Your email address will not be published.