Ate Guy, problemado pa rin ang boses

Nora-AunorKINUMPIRMA NI German Moreno na sa kasalukuyan ay patuloy pa umanong mayroong problema sa kanyang boses si Nora Aunor. Marami kasi ang nagulat na nu’ng mag-guest ang Superstar sa kanyang programang Walang Tulugan With The Master Showman ng GMA-7 nu’ng anibersaryo ng nasabing programa, dahil para daw bumalik na ang magandang tinig ng mommy ni Ian de Leon. Kaya kinlaro namin sa kanya ang pagtataka ng marami sa boses ng premyandong aktres.

“Wala pa. Lip sync lang ‘yon ni Guy. Na siyempre’y ikinatuwa ko naman, dahil matagal ko nang nilalambing si Guy na gawing kumanta para sa akin, at ginawa naman niya. Napasaya naman ako ni Guy, at kahit sinabayan lang niya ang kanta, boses naman niya ‘yon, kaya maging happy na rin tayo, dahil ang dating pala ay parang live siyang kumakanta,” wika ni Kuya Germs nang makakuwentuhan namin nu’ng Sunday sa canteen, tabi ng studio ng Sunday All Stars.

Sobra rin daw ikinalulungkot ni Kuya Germs ang patuloy pang problema sa boses ng Superstar.

“Matagal kaming nagkasama ni Guy, at magkasama rin kami sa napakatagal niyang programa dati sa TV, ang Superstar, at doon talagang ang boses niya ang umaariba. Kaya ipinagdarasal ko rin naman lagi ng kung magiging maayos pa ang lahat, mapunta na roon ang katuparan,” banggit pa ng Master Showman.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.