Ate Guy, ‘di na mami-miss ng mga anak ang birthday

Nora-AunorMAGDIRIWANG NA naman ng kanyang kaarawan ang Supertar na si Nora Aunor, at kapag ganitong sasapit ang natatanging okasyon sa kanyang buhay ay laging masaya ang kanyang mga anak na sina Ian de Leon, Lotlot at Matet.  Kung dati-rati’y may lungkot para sa kanila ang alaala ng mga nagdaang kaarawan ng kanilang mommy dahil nasa ibang bansa pa noon ang premyadong aktres, ngayon ay natutuwa na sila sa paninirahan ni Ate Guy sa bansa, dahil nagkakasama-sama na sila.

“Noong nasa ibang bansa si Mommy na binibisita ko, nakikita ko naman ‘yung pagiging masaya niya roon, dahil sobrang tahimik ang buhay niya roon. Pero para naman sa akin na anak niya, mas masaya naman akong makita na narito siya at nakikita namin siya sa mga pagkakataong gusto namin siyang makasama,” wika ni Ian.

Good health at dapat parating maging masaya, iyon ang birthday wish ni Ian para sa kanyang mommy. Kailangan nga naman ni Ate Guy ang good health dahil napakasipag ngayon ng Superstar na magtrabaho. Lumaki si Ian na nakita niya kung papaano ang kasikatan, mga saya at kalungkutan ni Ate Guy, kaya kung ano ang makapagpapasaya sa kanyang mommy ay iyon na rin ang kanyang ikatutuwa.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.