Ate Gay, nilaglag matapos paasahin sa show ni Kim Chiu

Ate Gay, nilalag matapos paasahin sa show ni Kim ChiuTila masama ang loob ng komedyanteng si Ate Gay matapos siyang paasahin umano na magge-guest sa show ni Kim Chiu na gaganapin sa Kia Theater sa Cubao, Quezon City.

Sabi ni Ate Gay sa kanyang post sa kanyang Facebook page (Gil Aducal Morales): “Meron na namang Ayaw akong Pasamahin sa show ni Kim Chiu sa Kia theatre Bigla nalang akong nilaglag.”

Kinulit pa umano siya ng scriptwriter ng show ni Kim na si Chad Kinis at sinabihang bongga ng magiging role niya.

Ani Ate Gay, “Samantalang ako pa ang nagfollow kung kasama ako dun dahil si Chad Kinis ang script writer nito na kinulit pa ako dahil sabi sa akin ni chad na bongga ang role ko dun at gawa na.”

Sa dulo ng kanyang post, sarcastic na nagpasalamat pa si Ate Gay sa ginawang pagpapaasa sa kanya. Sabi niya, “Salamat po sa Paasa excited pa naman ako dahil makakasama ko mga taga AbsCbn comedian .. Bagamat ayaw nyo sa akin eh salamat nalang po”

Hindi naman binanggit ni Ate Gay kung kailan magaganap ang nasabing show ni Kim.

By Parazzi Boy

Previous articleKris Aquino, tuluyan nang iiwan ang showbiz ‘pag natalo ang manok ni PNoy?
Next articleAndi Eigenmann, sinabihang ‘plastic’ si Jake Ejercito

No posts to display