Astig, patuloy na kinikilala sa international film festivals!

MABIBILI NA SA mga record stores ang DVD ng pelikulang Astig na naging top-grosser noong nakaraang taon sa Cinemalaya Film Festival. Nanalo ang Astig ng apat na awards gaya ng Best Director (GB Sampedro), Best Supporting Actor (Arnold Reyes), Best Editing (Charliebebs Gohetia) at Best Sound (Ditoy Aguila, Junnel Valencia and Mark Locsin). The movie was written by multi-awarded writer Jerry Gracio.

Ang Astig ang kauna-unahan kong pagsabak sa movie production together with my good friend hotelier Boy So of La Carmela de Boracay.

Sinasalamin ng Astig ang totoong mukha ng kahirapan sa Maynila at ng mga taong patuloy na lumalaban dito. Maaaring kahawig ito ng kuwento ni Aling Selya na magbobote’t dyaryo, ni Mang Pandoy na ang anak ay nagtitinda sa may Recto, ni Antonio na lumuwas ng Maynila upang makipagsapalaran sa buhay, o ni Totoy na breadwinner ng kanyang pamilya.

Astig is an episodic tale of four young men trying to live and survive the sexual squalor, seductive filth and emotional perversity of Manila. Pinagbibidahan ito nina Dennis Trillo, Edgar Allan Guzman, Arnold Reyes at Sid Lucero. Ang Episode 1 ay kuwento ni Ariel (Dennis), isang conman na nagtratrabaho sa isang shop sa C.M. Recto Avenue na nagtitinda ng mga fake diplomas at iba pang dokumento. Na-in love siya sa isang babae pero iniwan niya ito. Ang Episode 2 ay tungkol kay Boy (Edgar Allan) na isang expectant young father na ibinenta ang kanyang katawan para may ipambayad sa hospital bill ng kanyang asawa. Ang Episode 3 ay istorya naman ni Ronald (Arnold), isang Chinese mestizo mula Zamboanga na nagpunta ng Maynila para ibenta ang isang gusaling minana niya sa kanyang ama. After giving in to the seduction of a gay man who bought his property, he reaffirms his sexual identity by hiring a prostitute not knowing that she’d run away with his money. Ang Episode 4 ay tungkol kay Baste (Sid), isang Marine Engineering student at overly protective na kuya na gustong ipaghiganti ang kanyang kapatid na niloko ng boyfriend.

Mahirap pero masaya ang mag-produce ng isang pelikula. Sabi nga, kung walang lungkot ay walang ligaya. Nakakatuwang isipin na sa loob lamang ng isang taon ay patuloy na umaani ng papuri ang pelikula hindi lamang dito kundi maging sa ibang bansa. Astig was shown in international film festivals gaya ng 14th Pusan International Film Festival (Pusan, South Korea); 12th Barcelona Asian Film Festival / Festival de Cine Asiatico de Barcelona (Barcelona, Spain); 10th Asiaticafilmmediale Film Festival (Rome, Italy); Osaka Asian Film Festival (Osaka, Japan); and Black Movie, Geneva Film Festival / Geneve Festival de Films (Geneva, Switzerland). Sa katunayan, Astig received a Special Citation Award when it competed at the New Currents Section of the 14th PIFF.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “Astig, patuloy na kinikilala sa international film festivals!

  1. Kuya Boy, alam naming lahat na plano ninyong pasikatin ang alaga ninyong si Mariel. Kaya kayo ang nagtulak na sabihin ni Mariel na break na sila ni Zanjoe para maligawan siya ni Robin. Halatang-Halata naman na mas excited pa kayo na maging sila na ni Robin kaysa kay Mariel. Alam namin na kailangan ni Mariel na KUMAPIT sa isang sikat, dahil kung sa talent lang niya siya mag de depend, hindi talaga siya sisikat.

    Kaya lang sana naman BIGYAN NINYO RESPECTO ang co-host ninyong si Toni Gonzaga, na NASAGASAAN dahil sa high ambition ninyong sumikat ang inyong alaga. Sana naman maging CONSCIOUS kayo na naka offend si Robin sa mga pahayag niya at mga ginawa niya kay Toni. Sana bago ninyo i PROMOTE ang tandem ni Robin-Mariel, sana IPAALAM NINYO MUNA SA LAHAT NA MALI ANG GINAWA NI ROBIN KAY TONI. Bigyan ninyo ng pagpapahalaga ang inyong CO-HOST, kahit hindi ninyo ito alaga.

    Sana kung gusto ninyong pasikatin si Mariel, hindi sa paraan na kailangang MAY MAAPAKAN. Napaka NEGATIVE NG DATING, na ang totoong dahilan ng pag cancell ng movie ni Toni at dahil GUSTO NIYO LANG PALA MAGING LEADING LADY SI MARIEL NI ROBIN !!!! Anong klaseng kaibigan si Mariel, kung gagawin niya iyan? INSENSITIVE ? PLASTIC? MANG-AAPAK NG IBA? MAPANG ABUSO SA KABAITAN NG KAIBIGAN?

    Kuya Boy, hindi naman dapat lahat ay tungkol sa “magkano ang perang” kikitain ninyo !!!

    • Medyo na-KARMA ata si Robin. Marami ngayon ang naiinis sa kanya. Pati sa Pilipinas Win na Win, parang mas gusto pa nang tao na mapanood si Kris at Pokwang, Hindi kawalan si Robin kung umalis siya sa PWW. Ang ipinagpipilitan niyang tandem nila ni mariel, parang marami ang nasusuka at naiirita sa kaplastikan nang dalawa. Gutom sa publicity. Walang magagawa. Ang nagmumurang kamatis na Elvis Presley at si binibining tupperware. SA PEP, ISANG ARTICLE NI ROBIN ANG PURO NEGATIVE ANG COMMENTS. DITO MO MAKIKITA ANG IPINION NANG TAONG BAYAN.

      • ITO BA ANG IYONG SABI NA “ROBIN ADMITS THE WHOLE REASON HE ACCEPTED PILIPINAS WIN NA WIN IS BECAUSE OF MARIEL” ? NAKU HA. BINASA KO ANG MGA COMMENTS. LAHAT HALOS NEGATIVE AT DIRING DIRI KAY ROBIN AT MARIEL. MAY ISANG POSTER NA POSITIVE ANG COMMENT PERO PINAGKAMALANG SI MARIEL ITO. . .AHA AHA AHA. . .

Leave a Reply

Your email address will not be published.