Astig nga ba si Dennis Trillo?

MARAMI ANG NAAALIW sa karakter ni Dennis Trillo bilang Ruben sa Adik Sa ‘Yo. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa romantikong Batangueño? Pero huwag ka, ang guwapong bida natin ay muli na namang ginugulo ng intriga!

Kay Cristine Reyes na mismo nanggaling ang katotohanang kamakailan lang pala sila nag-break. Hindi man sinasabi ng FHM’s sexiest Pinay ang tunay na dahilan, marami ang nagsasabing third party raw diumano ang sanhi ng kanilang paghihiwalay. Lumilitaw ang pangalang Kaye Abad, na kahihiwalay lang pala sa lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. Kahit si Pauleen Luna, hindi nakatakas sa mga mata ng mga mapanghusgang madla.

Bida ngayon si Dennis Trillo sa Astig, ang Cinemalaya 2009 entry na iprinodyus ni Boy Abunda. Marami ang natuwa nang tanggapin ni Dennis ang proyekto. Hindi siya nagpakyut o kaya’y nagpaka-superhero sa pelikulang ito. Marami na nga ang nag-aabang na mapanood siya sa nasabing festival.

Nagsimula ang pagkairita ng mga tao kay Dencio noong itinanggi niya ang katotohanang siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Carlene Aguilar. Sumunod ay ang relasyon niya kay Cristine Reyes, na humantong pa sa kaunting away. In fairness to him naman, inamin na rin naman niya ang kanyang pagkakamali at itinuwid niya ito. Nabalitaan pa nga namin na madalas daw makasama ni Dennis ngayon ang anak at okay ang relasyon nila ni Carlene bilang magkaibigan.

Sa totoo lang, hanga kami kay Dennis Trillo. Para sa kanya kasi, iba ang trabaho sa personal na buhay. Eh, ano ngayon kung isa siyang binatang ama? At least, kaya niyang gampanan ang mga papel na nakatoka sa kanya. Eh, ano ngayon kung marami siyang babaeng pinaluha at hindi niya ito idini-display sa showbiz gatherings? At least hindi ito nagpapa-press release na may ka-date para lang matawag na ‘brusko’ o di kaya’y ‘astig.’

by Pinoy Fans Club

Para sa mga katanungan at komento, mag-email lamang sa pinoyfansclub@gmail.com. Bisitahin din kami sa http://www.pinoyfansclub.com.

loading...

4 thoughts on “Astig nga ba si Dennis Trillo?

  1. The answer is a big nooooooooooooooo he has no credibility and a big liar how could that be na maging astig sya?

    • he’s just keeping his relationship as private as he can..is there a problem with that..he is astig ok!

Leave a Reply

Your email address will not be published.