Assunta de Rossi, nagged by politician husband?

Points of Boy
by Boy Abunda

WALANG TAKOT NA hinarap kamakailan ni Assunta de Rossi ang sampung pinakamaiinit na katanungan tungkol sa kanya sa The Buzz’s Tough Ten. She is the latest addition to the daily afternoon series “Pieta” starring Ryan Agoncillo and Cherry Gil.

Inamin ni Assunta na mahina ang kanyang loob and her siblings have stronger personalities than her.

Assunta always gives her best shot in everything she does. She is grateful that she still gets good projects.

Assunta does not regret getting married early. “I love my life now,” she said. Sana raw ay mas maaga pa niyang nakilala si Cong. Jules Ledesma.

She remains optimistic sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan niya sa buhay. “God is preparing me for something. Kahit maraming dumarating ay ako pa rin ang nananalo.”

Hindi raw masama ang kanyang loob kung mas sikat si Alessandra kesa sa kanya. Tatlong bagay daw ang hindi nila pinag-aawayang magkapatid: profession, pera at lalaki. She is very proud of Alex and she was happy when she found out that her sister was going to be a Kapamilya.

Sinabi ni Assunta na hindi nambubugbog si Jules gaya ng mga lumalabas na balita. “Talak lang siya ng talak. He is upfront and transparent. That is his personality.” Hindi rin apektado ang mag-asawa sa mga balita tungkol sa sexual preference ni Jules.

Jules and Assunta never thought of separating. “We always try to work it out. Divorce is not an option.”

Assunta and her mom are now in good terms. They have forgiven each other. “I said sorry for everything. Pamilya kami. Our relationship is very okay. My mom loves me,” Assunta enthused.
The couple is trying to make a baby. Assunta said they need to have a vacation, kalaban daw kasi nila ang stress at oras. They are also planning to move to another house.

Kaibigan, usap tayo muli!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.