Assunta de Rossi, hiwalay na sa asawang congressman?!

HINDI MAHILIG magpakontrobersiyal si Assunta de Rossi kahit noong sikat na sikat pa siya bilang isa sa pinakamagandang sexy star ng showbiz. Kaya nga nitong huli na napapabalitang may problema sila sa pagsasama ng kanyang husband na si Congressman Jules Ledesma, hindi mo talaga siya maririnig na nagsasalita tungkol sa isyu. Kapag tsinika mo siya at nararamdaman niya na patu-ngo sa relasyon nila ni Jules ang uuriratin ay magaling siyang makiusap na umiwas sa isyung iyon.

Pero talagang marami na ang nakapansin at nagtataka kung bakit nitong mga huling taon ng kanilang pagsasama ay parang ang sipag-sipag ni Assunta na magtrabaho. Gusto niya na lagi siyang may nilalabasan na teleserye. Hindi naman ambisyosa ang aktres, dahil wala siyang ilusyon na magbibida pa siya sa teleserye. Okey na sa kanya ‘yung pasupo-suporta lang sa bida, dahil napapansin naman na magaling na talaga siyang umarte.

Kalat na kalat ngayon sa mga umpukan sa showbiz, na hiwalay na raw diumano sina Assunta at Cong. Ledesma. Marami ang nagsisimpatiya sa aktres, dahil mabuti na lang daw at hindi sila nagkaanak. Ang malungkot lang, ngayong gusto na ulit magpakaaktibo ni Assunta sa pag-arte, hindi na siya ganu’n ka-sikat. Ipinagpalit kasi niya ang kanyang kasikatan noon, sa desisyon na magpakasal kay Jules.

 

ANG DAMI-DAMI talagang tao na sila pa ang affected sa pagkakaroon ng kontrobersiyal na lovelife ni Gerald Anderson.  Iyon ang sobrang ipinagtataka ngayon ng guwapong aktor, dahil wala naman siyang buhay ng ibang tao na pinakikialaman. Nagkataon lang na sikat siya ngayon at malakas ang sex appeal sa mga kababaihan, kaya talagang hindi maiiwasan na magkaroon siya ng sunud-sunod na pakikipagrelasyon.

Pero star na star talaga si Gerald sa bakuran ng ABS-CBN, kaya maghunus-dili naman ang ibang artista na magparamdam kay Gerald ng kung anu-ano nilang kadramahan sa buhay. Hindi tama ang ginawa ni Maricel Soriano na sitahin, pangaralan na sermon ang da-ting na ginawa niya sa actor tungkol sa lovelife nito. Una sa lahat, hindi pa naman sila ganu’n magkakilala, kundi naroon lang ang katuwaan at respeto dati ni Anderson na makasama sa project ang beteranang aktres.

Mabait si Gerald, kaya kahit ‘yang mga parinig na kadramahan ni Sarah Geronimo ay hindi nakaaaliw, dahil ang actor pa ang mas nagagamit niya para siya mapag-usapan. Noong magkaroon siya ng concert sa Araneta, nagamit si Gerald na pampakilig, pero sumunod na linggo ay may gap na sila, nitong huli ay nagpapasaring na naman siya. Gamit na gamit si Gerald sa show ni Sarah tuwing Sunday, dahil lagi siyang nababanggit doon. Maging si Kim Chiu, na pagkatapos ng matagal niyang pananahimik, nang ma-link si Gerald kay Maja Salvador ay nagparamdam ng kanyang hinaing. Ano ba ang mga babaeng ito? Wala na sa buhay nila at nananahimik na si Gerald, pero nagpaparamdam pa rin!

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

8 thoughts on “Assunta de Rossi, hiwalay na sa asawang congressman?!

  1. I beg to disagree sa writer na to? Nabayaran ka ba ni Gerald ha? to quote the last Part “Ano ba ang mga babaeng ito? Wala na sa buhay nila at nananahimik na si Gerald, pero nagpaparamdam pa rin!” Do you think your being fair? Wag kang magsalita ng ganyan coz may reason c Kim bakit xa nagalit dahil ka traydoran naman po na maging BF ng bestfriend mo ang Ex mo. Maybe Sarah habe the reason too, malay ba natin if they are really together at tinago lang para di malaman ni Divine ang totoo. Hindi ginto ang nasa pagitan ni Gerald so wag mong ipagtanggol ng ganyan dahil at some point may mali siya! Diba?

  2. sa sobrang sarap daw ng tarugs ni gerald madaming gay execs ang naglalaway at binabalik-balikan ito hahaha! siyempre madami pang pabooking actor ang abs gaya nina paulo avelino, sam milby, ejay falcon at coco martin hahahahahahaha!

    • tama! dakota kaya hirap maka move on ng mga gelay na itey…..kaya nga di nagdalawang isip itong si maja dahil dakota itong si gerald! swerte din ni maja ha, nakatikim na ng italian at amerikanong burat…hahaha

      • WAHAHAHA SIYEMPRE, DATING PAHADA YAN NUNG NASA PROBINSYA PA NILA YAN SA SOUTH, NG MAGING ARTISTA SA ABS CBN, HAHAH PINAG SAWAAN MUNA NG MGA BAKLUSHI DIYAN SA ABS CBN,,,HAHAH SAKA BINITAWAN NA, WAHAHA NANDYAN NA KASI SI COCO,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.